‘Di na nasamahan ni Sen. CHIZ papuntang Paris: HEART, aminadong na-stress dahil ‘di na sanay na mag-travel na mag-isa
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
NASA Paris na muli si Kapuso actress Heart Evangelista.
May caption siya sa Instagram niya bago siya umalis ng Pilipinas, “Saturday (so many typos sorry just so stressed) stressed Saturday because it’s my first time to travel by myself!! Anxiety level is high but my determination and higher!!”
Hindi kasi sanay si Heart na magbiyaheng mag-isa. Hindi naman siya masamahan ng husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, dahil magiging busy na ito sa election campaign dahil kandidato siyang Senador.
Anyway, last three weeks na lamang ang GMA Primetime series ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon, with leading men Richard Yap and Paolo Contis at ngayon ay inaabangan na ng mga netizens kung sino ang makakatuluyan ni Celest (Heart) kina Nonito (Richard) at Micoy (Paolo).
At isa pang hinihintay ng mga viewers ay kung magkakabalikan ba sina Sebastian (Mavy Legaspi) at Tiffany (Kyline Alcantara) sa story at behind din sa camera, dahil ang sweet daw nila laging dalawa, “mas matamis pa sa candy.” Ano nga ba ang real score sa #MavLine?
Napapanood sila gabi-gabi, after ng 24 Oras sa GMA-7.
***
SENATOR Bong Revilla is back as Major Gabriel Labrador of Task Force Kalikasan in Agimat ng Agila in a new Season 2, after ng successful first season last year.
Sa tanong sa virtual presscon ng pagkakaiba nito sa season 1, “mas maaksiyon ito ngayon, mahirap magyabang, pero makikita nyo na mas pinalaki namin ito, medyo mahirap pero makikita ninyo kung paano ito ginawa ni Direk Rico Gutierrez,” sagot ni Sen. Bong.
“Siyempre may pressure pa rin, pero we gave it our best, kaya siguradong the viewers will enjoy this.”
Inamin ni Sen. Bong na nag-work out, nag-training siya sa boxing, stretching at rolling.
Alam nang sa simula lamang mapapanood ang dating katambal niya na si Kapuso actress Sanya Lopez, pero masaya si Sen. Bong sa kanya na na-predict daw niyang magiging big star rin.
Humanga naman si Sen. Bong sa new leading lady niya, si Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo na “she’s new but she’s a good actress.
Sa January 29 na ang season premiere ng Agimat ng Agila, na mapapanood every Saturday, 7:15PM sa GMA-7.
***
LIBRE na si Kapuso actor Wendell Ramos dahil tapos na tapos at napapanood na ang GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas after Eat Bulaga, kaya naharap na niya niya ang mga business niya at pagtulong sa mga nangangailangan.
Isa si Wendell sa mga nagbigay ng tulong kay Lolo Narding, 83, ng Asingan, Pangasinan na umano’y nanguha ng manga ng kapitbahay kaya gusto siyang ipakulong.
Pero naging national news ito kaya maraming tumulong at nakalabas din siya matapos magpiyansa ng P 6,000.
Personal na dinala ni Wendell ang kabuhayang showcase na ipinost niya sa Instagram para kay Lolo Narding, mga manggang hinog para ibenta, food cart na may pangalan pa ng matanda at mga kahon-kahong paninda, para may pagkunan siya ng pang-araw-araw niyang gastusin at pangangailangan, para rin sa pamilyang kasama niya.
Caption pa ni Wendell: “Mission accomplished! Lolo Nardo’s dagdag kabuhayan, munting mga regalo at Negosyo mula po sa amin ng @franchise.bscorp. @ofwfamilyclub at @wendell_meathouse.”
(NORA V. CALDERON)
-
Bulacan achieves Hall of Fame award for Local Revenue Generation
CITY OF MALOLOS- The consistent and exemplary performance of the Province of Bulacan in local revenue collection under the administration of Governor Daniel R. Fernando has once again been recognized as the Department of Finance (DOF)-Bureau of Local Government Finance (BLGF) conferred to the province the Hall of Fame award for Local Revenue Generation during […]
-
Regine, pabirong pinagbantaan si Jona na ‘wag dadaan sa kanto nila
NAKATANGGAP ng pagbabanta ang singer na si Jona mula kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid pagkatapos nitong awitin ang kauna-unahang single ni Regine na si “Love Me Again” sa ASAP Natin ‘To noong nakaraang Linggo. Ang banta naman ni Regine ay pabiro lang dahil sobra siyang namangha sa rendition ni Jona ng kanyang song. Kaya […]
-
Magnolia: 3rd STRAIGHT WIN KONTRA NLEX
Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum. Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon. Ibinahagi ni […]