• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di na-offend dahil mukha talagang naglalaro sa kalye: Anak ni RICA na si MANU, napagkamalan na ‘street kid’

NAPAGKAMALAN pala na ’street kid’ ang anak ni Rica Peralejo na si Manu nang minsang kumain sila sa isang sosyal na resto kasama ang mga kaibigan.

 

 

Sa Instagram story, ibinahagi ng aktres na tinanong siya ng server kung kasama nila ang batang nakampambahay lang at may bitbit na wooden stick.

 

 

“True story na we were seated here when server asked us if kasama namin si Manu.

 

“Akala nya ata he is a street kid na disturbing us… and I think I know why…,” sabi ng dating aktres.

 

“Ganito kasi itsura nya may dala syang stick inside a fancy resto with his play clothes and birks na syempre may duming bata! Eh medyo fancy yung place so akala yata nila he cannot be dining with us,” natatawa pang pagbabahagi niya, kasama ang larawan ng anak.

 

Hindi naman daw nainsulto si Rica dahil aminado siya na parang batang naglalaro ang anak niya sa kalye.

 

 

“Di naman ako na-offend kasi sa totoo lang mukha talaga syang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din hindi namin alam na fancy pala yung pipiliin for dinner ng mga friends namin kaya medyo sobrang casual lang namin pamilya hahahahaha…” paliwanag niya.

 

 

Marami nga ang nagkomento sa kanyang IG post, may mga natuwa at meron ding nag-nega, na hindi talaga maiiwasan.

 

 

***

 

 

NAGPAPAALALA ang Globe sa mga customer na sundin ang safe SIM registration procedures sa gitna ng mga naglipanang modus ng mga manloloko.

 

Halos dalawang taon mula nang naging mandatory ang SIM registration, patuloy pa ring lumalabas ang mga bagong paraan ng panloloko na layong makalusot sa SIM Registration Act.

 

“Prayoridad ng Globe ang kaligtasan ng aming mga customer. Hinihikayat namin silang maging bahagi ng solusyon laban sa fraud. Ang ating first line of defense laban sa mga scammer ay ang ating mga sarili. Kaya’t dapat sundin ang mga personal safety practices para hindi maging biktima,” ayon kay Eric Tanbauco, Officer-in-Charge (OIC), Consumer Mobile Business ng Globe.

 

Narito ang mga mahalagang gabay na dapat sundin kapag nagre-register ng bagong SIM:

 

1. Mag-register lamang sa opisyal na SIM registration portal ng Globe. May mga pekeng website na nagpapanggap na opisyal na portal ng Globe. Mayroon lamang isang opisyal na website ang Globe na maaaring ma-access sa link na ito: https://new.globe.com.ph/simreg. Maaari rin mag-register ng SIM sa GlobeOne app.

 

2. I-register ng sarili mong SIM. Kung kaya, dapat ang customer mismo ang mag-register ng sariling SIM para maprotektahan ang kanilang data. Mag-ingat sa mga alok na SIM registration assistance online dahil kadalasan ay modus ito upang makuha ang personal na data ng mga SIM user.

 

 

Ang pag-register ng SIM ay walang bayad. Maging maingat sa mga alok na SIM registration assistance na may bayad na kalat online. Ang paggamit ng third-party services para sa SIM registration ay isang risk sa personal na data ng mga customer. Para sa mga nangangailangan ng tulong sa pag-register ng SIM, maaari silang pumunta sa pinakamalapit na Globe Store. Maaari ring humingi ng tulong sa pinagkakatiwalaang kaibigan o kamag-anak.

 

 

3. Mag-ingat sa mga SIM na may tampered SIM packaging. May ilang frausters na nagbebenta ng mga lumang SIM na may tampered SIM packaging. Ang tampered packaging ay senyales na ang SIM na ito ay nagamit na at nirepack bilang bago. Siguraduhing bumili lamang ng mga sealed na SIM.

 

 

4. Huwag bumili o magbenta ng pre-registered SIMs. Ilegal ang pagpapabayad para irehistro ng ibang tao sa ilalim ng sariling pangalan. Huwag ipagamit ang sarili para sa pre-registration o kaya ay bumili ng pre-registered SIM. Ayon sa Section 11 ng SIM Registration Act, ang mga mapatunayang nagkasala sa pagbebenta o paglilipat ng registered SIM ay maaaring mapatawan ng kulong mula anim na buwan hanggang anim na taon at/o multang mula Php 100,000 hanggang Php 300,000.

 

 

Layon ng Globe na matiyak na lahat ng customer ay may access sa secure at maaasahang telecommunications services. Sa pagsunod sa mga gabay na ito, maaaring makatulong ang mga customer sa paglikha ng mas ligtas na mobile environment para sa lahat.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • No. 7 top most wanted person ng NPD, nalambat sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente […]

  • Ads December 4, 2024

  • Gaganap na Luna at Sky sa ‘Senior High’: ANDREA, may hatid na mahahalagang aral kasama sina KYLE, JUAN KARLOS, ZAIJIAN, XYRIEL at ELIJAH

    MAHAHALAGANG aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.”       Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.       Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin […]