‘Di naapektuhan ang relasyon dahil sa ‘fake news’: Sen. SHERWIN at BIANCA, nagkita na pagkatapos ng kontrobersya
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMI ang natuwa sa panalo ni Pepe Diokno bilang Best Director sa 49th Metro Manila Film Festival para sa obra niya na “GomBurZa”.
Isa si Diokno sa pinakamahusay na batang direktor ngayon at ang mga pelikula niya ay nanalo ng parangal sa iba’t ibang film festivals abroad tulad ng “Engkwentro”, “Above The Clouds” at “Kapatiran”.
Sa mga ‘di nakakaalam, anak si Pepe ng Filipino lawyer, educator, and human rights advocate at chairman ng Free Legal Assistance Group na si Chel Diokno.
Sa acceptance speech ni Diokno sinabi nito ay: “My job as a director is to gather the most brilliant right people for the project and given the space and the power to create, so I want to thank everybody behind the scenes as well as behind the camera who brought this film to life.
“We are all united by this love this of a story about our country and that brought us to the finish line, so thank you so much to all of you. I hope that this is a start of a good trend for Philippine cinema in general. May Philippine cinema live and mabuhay po ang pelikulang Pilipino, mabuhay po ang Pilipinas.”
Nagwagi ng pitong trophies ang “GomBurZa” kabilang ang Best Actor para kay Cedric Juan.
***
“REUNITED and it feels so good.”
Ito ang caption ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Instagram photo nila ng girlfriend na si Bianca Manalo.
Nagkita na sa Vancouver, Canada ang dalawa pagkatapos ng controversy tungkol sa leaked private conversation with actor Rob Gomez.
Hindi nga raw naapektuhan ang relasyon nila dahil sa fake news na ito. From Canada ay lilipad sina Sen. Sherwin at Bianca to Las Vegas para salubungin ang 2024.
Noong nakaraang Christmas, kapiling ni Bianca ang kanyang buong pamilya sa Tokyo, Japan.
(RUEL J. MENDOZA)
-
5 arestado sa pagbebenta ng high powered firearms
ARESTADO ang apat na indibidwal sa Paranaque City para sa illegal na pagbebenta ng high-powered firearms. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inaresto sina JEROME V. NUYQUE, MAXIMO G. AYAWON, MICHAEL DOUGLAS E. LOLENG at NILO M. BARNACHA ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR). Nakatanggap umano ang ahensya ng ulat tungkol sa isang […]
-
Itinangging hiwalay na sila ni Regine… OGIE, pinayuhan na gayahin si MON na sampolan ang nagkakalat ng ‘fake news’
NAGING usap-usapan sa social media at maging sa mga taong mahilig sa balitang showbiz na hiwalay raw mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Dagdag pang balita na kapwa inaasikaso na raw ng dalawang Kapamilyang singers ang kanilang divorce paper. Siyempre nakarating naman ito agad sa kaalaman ni Ogie at […]
-
Handa kung sakaling magkita sila… CARLA, nag-react sa pag-amin ni TOM na may dini-date na
NAGBIGAY ng reaksyon si Carla Abellana sa pag-amin ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez na may dine-date na raw ito. “I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n,” diin pa ni Carla na handa rin kung sakaling aksidente silang magkita ni […]