• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di nakaligtas nang tanungin ni Maricel: KIM, inaming naka-hang ngayon ang kanyang lovelife

NABIGYAN na rin ng sagot ni Kim Chiu ang bali-balitang naghiwalay na sila ni Xian Lim.

 

 

Sa latest YouTube vlog ni Diamond Star Maricel Soriano, na in-upload noong December 16, 2023, kung saan naging ‘yaya for a day’ siya ni Kim habang nasa ‘It’s Showtime’.

 

 

Kaaliw ang eksena nilang dalawa, habang nagmistula talagang yaya ang award-winning actress. Lalo na nang umeksena na si Vice Ganda.

 

 

Pero hindi napigilan ni Marya na tanungin si Kim tungkol sa kanyang lovelife.

 

 

Sa gitna ng naturang vlog, nakahirit si Maricel ng, “Ang dami-daming nagbubulungan. Kumusta daw ang love life mo?

 

 

“Tinatanong nila lovelife mo, hindi naman ako makasagot kasi hindi naman ako ikaw.”

 

 

“Sino naman ang nagtatanong sa ‘yo?” tanong ni Kim kay Maricel halatang nagulat.

 

 

“Mga fans mo, ‘Day, nagtatanong sila kung kumusta na raw ang love life mo,” sagot ni Marya, at napahalakhak na lang si Kim.

 

 

Say ni Kim, “Ang love life ko ngayon ay ano…”

 

 

“Bat natatawa ka, may nakakatawa ba?,” say pa ng aktres.

 

 

“Ang love life ko ay naka-hang ngayon,” sagot ni Kim.

 

 

Kaya ang reaction ni Maricel, “Parang telepono, ‘Day, naka-hang?”

 

 

Na sinangayunan naman ni Kim, sabay iwas sa isyu at sinabing, “kumain tayo yaya, daanin natin sa kain ‘to.”

 

 

Ilang linggo na ngang pinag-uusapan ang relasyon ngayon nina Kim at Xian, na ayon sa mga nakakapansin, lalo na ang kanilang fans ay parang ‘on the rocks’ na.

 

 

At dahil sa rebelasyon ni Kim na naka-hang pa ang relasyon nila ni Xian, nawa’y magawan pa nila ito ng paraan para sila’y magkaayos.

 

 

At ‘yun ang ating ipagdasal, lalo na ngayong sasapit na ang Kapaskuhan.

 

 

***

 

 

PINATAWAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Preventive Supension Order ang dalawang programa ng SMNI na “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan,” mula 18 Disyembre 2023. Ang desisyon ay bunga ng masusing pagsusuri at imbestigasyon hinggil sa paglabag sa Batas 1986.

 

 

Nakatanggap ang MTRCB ng mga reklamo hinggil sa alegasyong umano’y death threats mula sa isang panauhin sa episode ng “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” noong 10 Oktubre.

 

 

Matapos ang Preliminary Conference ng MTRCB noong 08 Nobyembre, nangako ang SMNI na magpre-record sila ng kanilang palabas at susuriin nilang mabuti ang kanilang mga episode bago ito magpalabas. Ito’y matapos balaan ng Board ang SMNI na ang mga katulad na insidente ay bibigyan ng mas mabigat na kaparusahan.

 

 

Noong 30 Nobyembre naman, ang Board ay nakatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y death threats at pagmumura mula sa isang panauhin sa “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” ng SMNI. Muling inilabas ng Board ang isang Notice para sa SMNI upang humarap sa Hearing and Adjudication Committee noong 07 Disyembre 2023, na dinaluhan ni Atty. Mark Tolentino ng SMNI.

 

 

Samantala, noong 30 Nobyembre, ang Board ay nakatanggap ng reklamo hinggil sa hindi-beripikadong balita ng “Laban Kasama ang Bayan” patungkol sa umano’y paggastos ng PhP1.8 bilyon bilang travel funds ni House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ng ipinadalang Notice sa SMNI, nagkaroon ng Hearing and Adjudication Committee meeting noong 07 Disyembre 2023.

 

 

Matapos ang maingat na pagsusuri ng Board sa samu’t saring reklamo na natanggap nito, natuklasan ng Board na ang ilang aspeto ng nabanggit na mga programa ay maaaring lumabag sa itinakdang pamantayan na itinakda ng Presidential Decree No. 1986 at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

 

 

Upang mapigilan ang posibleng pag-ulit ng mga paglabag na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kapakanan ng publiko, ethical considerations, at pag-protekta sa pangkalahatang reputasyon ng industriya ng broadcasting, nagdesisyon ang Board na pansamantalang suspendihin ang dalawang programa sa bisa ng Section 3, Chapter XIII of the IRR of P.D. No. 1986.

 

 

Noong 13 Disyembre, unanimous ang naging boto ng Board sa pagpataw ng labing-apat na araw na preventive suspension sa “Laban Kasama ang Bayan” at majority vote naman para sa programang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa.” Ang dalawang desisyon ay ayon sa kapangyarihang iniatang sa MTRCB ng Presidential Decree No. 1986, na layong ilagay sa lugar ang mga programa sa telebisyon alinsunod sa makabagong kulturang Filipino.

 

 

Ang nasabing utos na preventive suspension ay isang aktibong hakbang na naglalayong solusyonan ang mga alalahanin at siguraduhin ang pagtalima sa pamantayan ng Board epektibo sa loob ng labing-apat (14) na araw, panahong inaasahan na tutugon at bibigyan solusyon ng SMNI ang mga natalakay na isyu.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal

    APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga.   Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat […]

  • SHARON, ‘di lang si Direk DARRYL ang pinasalamatan pati na ang staff at crew ng ‘Revirginized’

    ILANG linggo na lang at mapapanood na sa Vivamax ang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta na mula sa malikot na panulat at direksyon ni Darryl Yap.     Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram ang pinost na photo ng kanyang leading man na si Marco Gumabao na may caption ng mahabang mensahe ng […]

  • Kasama ang mga bagong set of officers: HEART, nanumpa na bilang bagong Senate spouses foundation president

    MUKHANG fresh at bumata ang aktor na si John Lloyd Cruz. Halatang masayang masaya ang aktor sa kanyang present love ba si Isabel Santos. Mukhang very proud ang aktor sa bagong karelasyon dahil ilang showbiz gathering na dinaluhan ay kasa-kasama niya ito. Kasalukuyang inihahanda ni  John Lloyd ang sarili para sa proyektong gagawin niya with […]