‘Di pagpunta ni Yen sa premiere night ginawan ng isyu: PAOLO, ‘di na kailangang ipangalandakan ang personal nilang buhay
- Published on June 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-LAST shooting day na pala ang BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco ng kanilang first movie-team-up, ang “That Kind of Love.”
Sinurpresa sila ng kanilang mga official fan groups, na nag-set ng isang car na ang trunk ay pinuno nila ng purple and silver balloons, streamers ant printed photos ng mga idolo nila.
Pinost naman ito ng Sparkle GMA Artist Center, matapos bigyan din nila sina Barbie at David ng bouquets and cake.
Matatandaan na umalis sina Barbie at David for South Korea para mag-shoot ng mga eksena nila for “That Kind of Love,” matapos ang top-rating historical fantasy portal series nilang “Maria Clara at Ibarra” with Dennis Trillo and Julie Anne San Jose, na tumanggap din ng iba’t ibang awards here and abroad.
Bago rin sila nag-shoot ng movie, they also worked together for Ben&Ben’s “The Way You Look at Me” music video and a three Sunday’s episodes ng “Daig Kayo Ng Lola Ko,” for GMA-7.
Nag-enjoy ang magka-love team sa South Korean shoot nila, dahil nakapunta sila sa mga lugar doon na madalas ay nakikita natin sa mga Korean dramas na ipinalalabas dito sa bansa natin. In-enjoy din nila ang Korean food na mga paborito ni Barbie.
Ngayong tapos nang mag-shooting ang BarDa loveteam, ready na silang simulan ang taping ng isang teleserye na magtatampok sa kanilang dalawa for GMA Telebabad.
***
LALONG naging controversial si Kapuso actor at “Eat Bulaga” host Paolo Contis, na sunud-sunod din ang projects, the latest nga ay ang movie niyang “Ang Pangarap Kong Oskars,” nang hindi sumipot sa premiere night at celebrity screening ng movie ang girlfriend niyang si Yen Santos. Bakit daw hindi sinuportahan ni Yen si Paulo, o totoo bang break na sila, dahil question din sa kanila na hindi nagpo-post sa socmed ang celebrity couple.
Kaya sinagot na ito ni Paulo, na hindi nila kailangang ipangalandakan pa kung ano ang nangyayari sa personal nilang buhay, para lang ipakitang sweet sila sa isa’t isa.
Dagdag pa ni Paulo, “I will never put her in that position.”
At sa tanong kung may possibility ba na umabot sa kasalan ang kanilang relasyon, sagot ni Paolo: “Eventually, pupunta naman dun, pero marami pa akong dapat ayusin. Oo naman, bakit hindi!”
Sa kabila raw ng pagiging busy ni Paolo, napaglalaanan din naman niya ng oras si Yen. Meanwhile, very soon ay malamang daw mag-tape muna si Paolo ng segment niya sa “Eat Bulaga,” dahil paalis siya for a movie shoot abroad.
***
MARAMING nagsasabi na healthy competition daw ng mga noontime shows simula ngayong Saturday, July 1, na sabay-sabay mapapanood ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. sa GMA-7, ang “It’s Showtime” na nag-sign-up na with GTV na under din ng GMA, at ang “TVJ at Dabarkads” sa TV5, at 11:30 am to 2:30 pm.
Natanong dito si Kuya Kim (Atienza) na dating co-host ng “It’s Showtime,” pero ngayon ay nasa GMA Network na rin siya?
“I’m happy for them. @itshowtimena will always be family regardless of stations. Life is like that. Nothing is permanent. Lahat ay makikinabang sa development na ito. There’s a space for everyone.
“The more shows on free TV, the more options for people to watch. I’m happy for @itsshowtimena and for my station @gtvphilippines. It’s a win for both.”
(NORA V. CALDERON)
-
Booster shot, gagawing requirement sa trabaho
PINAG-AARALAN ng Department of Health (DOH) kung kailangang gawing requirement na rin ang booster shot ng COVID-19 vaccines para makapasok sa trabaho ang isang empleyado bukod sa ‘primary vaccine’. Ito ay kung maaaprubahan ang panukala na isa ang booster shot sa pangunahing serye ng bakuna kontra sa virus na kasalukuyang isa hanggang dalawang […]
-
Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC
IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya. Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]
-
Mga laro sa PBA tuluyan ng kinansela dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19
Itinigil ng Philippine Basketball Associaton (PBA) ang nagaganap ng mga laro sa 2021-2022 Governors’ Cup dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa unang plano kasi ay temporaryo muna nilang ititigil ang mga laro ng isang linggo subalit nagdesisyon ang mga boards na itigil muna ito ng walang katiyakan. […]