‘Di threat pag may lumilipat sa GMA: RITA, willing makipag-showdown kay ANGELINE sa kantahan
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
SOSOSYO na si Rita Daniela sa chain of restaurants ni Ken Chan, ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant.
Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagne-negosyo?
“Ah masarap sa feeling, masarap sa puso,” bulalas ni Rita.
“Di ba? Tsaka parang… parang I think it’s time na rin to take it to the next level kasi I’ve been a singer and an actress for eighteen years now, so parang maliban sa pagiging nanay what’s next for me?
“So ibibigay ko ito para sa sarili ko, I think it’s time.”
Samantala, hindi threat para kay Rita kapag may show o artist na galing sa ibang network na lumilipat sa GMA kung saan homegrown si Rita.
“Personally ha, I don’t think it’s a threat kasi it’s really actually para sa isang artista mas lalawak pa yung oportunidad mo kasi ano e, para sa akin ha, if you’re confident enough and you know what you’re capable of as an artist, you won’t ever feel that you’re threatened.
“So, me I’m not threatened kasi I know what I’m capable of as an artist, I know what I can give and alam ko at confident ako na hindi ko mapapahiya ang network ko, hindi ko mapapahiya ang mga bosses ko sa GMA kasi pag sinalang nila ako somewhere magagawa ko ng maayos ‘yung pinapagawa sa akin.”
So, puwede na silang mag-showdown sa kantahan ni Angeline Quinto na nasa bakuran ng ABS-CBN na tulad ni Rita ay mahusay na singer?
“Bakit hindi,” ang bulalas ni Rita, “if given the chance, di ba? That would be fun.”
***
TINANONG namin si Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable niyang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan.
“Yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative twenty-two degrees,” bulalas ni Mikael.
“Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami pero masaya pa rin siya,” at natawa si Mikael.
Pagpapatuloy pa ni Mikael.
“Part iyon ng challenge.
“But I think dun sa ginagawa namin sa Running Man PH mag-e-enjoy talaga yung mga Kapuso, yung mga nanonood dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runners.
“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin dun sa mga pinagagagawa naming mga games, mga mission, and iyon din yung feeling kong magiging parang strength ng Running Man PH, na matutuwa yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads October 25, 2024
-
Kamara inatasan ang PNP na arestuhin si Quiboloy matapos ma- cite-for-contempt
INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises. Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative […]
-
Ads January 26, 2024