• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diablox’ pumiyok, tumugma na nasa likod ng pag-hack sa mga gov’t websites

TUMUGA ang isang indibiduwal at umamin na responsable sa kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang  government websites. 

 

 

Sa isang recorded video message na naka-post sa  X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang  ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack.

 

 

Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na batid ng DICT ang personalidad na ito.

 

 

“There is an ongoing investigation by the CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) for proper attribution of his identity and his claims,” ayon kay Paraiso.

 

 

Sa kabilang dako, inamin at inangkin ng indibidwal  na siya ang  nasa likod ng cyberattacks.

 

 

Iyon  nga lamang  wala siyang plano na ibenta ang data na kanyang nakolekta mula sa hacking.

 

 

Kabilang sa  ‘systems’ na biktima ng  hacking ay ang Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine National Police (PNP), at Department of Science and Technology (DOST).

 

 

“Maasahan niyo na buburahin ko ang data na hawak ko. Pagkatapos ng insidenteng ito wala na pong Diablox Phantom ang mabubuhay sa cyberspace,” Diablox Phantom said.

 

 

Sinabi pa niya na “out of passion” kaya ginawa niya ang pagsira sa ‘government system.’

 

 

“Pangha-hack ko sa website ng gobyerno ay passion ko lamang po ito at wala pong ibang nagtutulak sa akin na gawin po ito,” ayon kay Diablox Phantom.

 

 

Binigyang diin pa ni Diablox Phantom na dapat na bigyang importansya ng pamahalaan ang cyber security.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni  DICT Undersecretary Jeffrey Dy na ang suspek na nag-post at nag-leak ng  data mula PSA at DOST ay pareho.

 

 

Sinabi naman ng DICT na posibleng local hacker ang nasa likod ng hacking. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]

  • Bata Reyes dadayo sa Amerika

    Muling ilalabas ni le­gendary cue master Efren “Bata” Reyes ang mahika nito sa isang US tour na idaraos sa iba’t ibang bahagi ng Amerika.     Nakalinya na ang mga gagawin ni Reyes sa oras na tumuntong ito sa Amerika.     Una na ang pagdayo nito sa Red Dragon Billiards Club and Training Center […]

  • 3 patay, 5 sugatan; pag-ulan asahan pa rin – NDRRMC

    Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tatlo ang naitalang nasawi habang lima ang sugatan dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng habagat.     Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa ang namatay matapos tamaan ng bumagsak na punong-kahoy habang dalawa ang natamaan ng kidlat.     Dagdag […]