• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz delikado sa ika-4 na Summer Olympic Games

NAMEMELIGRONG mabulilyaso ang magiging rekord na ikaapat na sunod na 32nd Summer Olympic Games ni Hidilyn Diaz at ang napipintong wakasan ang tagtuyot sa gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924 sa Paris, France.

 

 

Hindi ito kasalanan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist, kundi  sa pasaway na International Weightlifting Federation (IWF) na balot ng korapsyon sa pananaw ng International Olympic Committee (IOC).

 

 

Sumingaw nitong Huwebes mula sa weightlifting manager for Tokyo 2020 na itinulak ng IWF board sa panganib ang kinabukasan ng sport sa pagsasagawa nang matagal nang naurong na halalan sa Oktubre, na labis kinabanas ng IOC.

 

 

Idinagdag pa ni IWF technical committee  administrator & senior member  Reiko Chinen na hindi sang-ayon ang IOC sa hakbang ng board.

 

 

Giniit na minsan ng Olympic body na plantsahin na muna ang konstitusyon ng organisasyon saka mag-eleksiyon ng mga bagong opisyal ang pederasyon.

 

 

Nakatakda ang quadrennial sportsfest na inurong lang ng Coronavirus Disease 2019 sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan. (REC)

Other News
  • Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, […]

  • PDu30, nagpaabot ng pagbati kina Biden at Harris matapos manumpa bilang mga bagong Presidente at Bise-Presidente ng Estados Unidos

    AYAW patulan at sakyan ng Malakanyang ang naging panawagan ng Duterte Youth party-list sa Department of National Defense (DND) na kanselahin na rin ang agreement nito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) katulad ng ginawa sa University of the Philippines (UP).   Sa ulat, ang katuwiran ni Duterte Youth party-list Representative Ducielle Cardema na […]

  • ‘Past Lives’, A Must-watch Movie of the Year: Now Showing in Over 140 Cinemas Nationwide

    MOVIEGOERS in the Philippines will finally have the chance to experience Past Lives, the romantic movie that captured the hearts of audiences and critics worldwide. Past Lives is a heartrending modern romance that follows the story of two deeply connected childhood friends who drifted apart. The Korean movie is the directorial debut of writer-director Celine Song and it […]