Diaz focus muna sa gold sa 2024 Paris Olympics
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALANG isasantabi ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang pagbuo ng pamilya kasama ang fiance na si coach Julius Naranjo.
Sasabak pa kasi ang tubong Zamboanga City lady weightlifter sa 2024 Olympics sa Paris, France kung saan hangad niya ang ikalawang sunod na Olympic gold.
“Yes, we’re planning to have our family soon. Ako, gusto na. But we’re still aiming for Paris 2024,” wika ng 31-anyos na si Diaz sa isang panayam ni Karen Davila.
Nakatakda ngayong araw ang kasal nina Diaz at Naranjo sa Baguio City na siya ring petsa ng pagbuhat ng national weightlifter sa Olympics gold sa Tokyo, Japan.
Sa 2024 Paris Olympics ay sasalang si Diaz sa women’s 59 kilogram division matapos pagreynahan ang 55-kg class sa Tokyo Games.
-
Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo
SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto. Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline. Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, […]
-
BBM CAMP: 99.93% accuracy rate ng manual count nagpapakita ng totoong kagustuhan ng tao
ANG 99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes. Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit […]
-
Pacquiao sinimulan na ang ensayo para sa laban kay Spence
Sinimulan na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang pag-eensayo para sa WBC-IBF welterweight fight niya kay Errol Spence Jr. Sa kaniyang social media, ibinahagi ng fighting senator ang kaniyang ginagawang ensayo sa Forbes Park mansion. Inaasahan na sa susunod na mga linggo ay makakasama na niya ang kaibigan at […]