Diaz may plano para sa mga nais maging weightlifter
- Published on April 27, 2021
- by @peoplesbalita
Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).
Ito, ayon sa 30-anyos na tubong Zamboanga City, ay para matulungan ang mga batang weightlifters na makapaglaro rin sa Olympic Games kagaya niya.
“Siguro iyong purpose ko kasi kaya ako nandito pa rin at naglalaro, gusto ko talaga na maraming Pilipino na papasok sa weightlfiting, mag-try sila ng weightlifting,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.
“I’m hoping na after ng career ko, maging official ako sa weightlifting para mas marami akong matulungan. At I’m hoping na kapag nakapasok sila sa Palarong Pambansa, kapag nakapasok sila sa UAAP, may mga scholarship iyong mga bata,” dagdag nito.
Pormal na inangkin ni Diaz ang tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, matapos sumali sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
-
1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas
NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot […]
-
Pacquiao sinimulan na ang boxing training
Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang kaniyang boxing training. Sa kaniyang Twitter account, inanunsiyo ng fighting senator ang nasabing balita. Hindi naman nito binanggit kung sino ang nakatakdang makakalaban nito. Huling lumaban si Pacquiao ay noong Hulyo 2019 kung saan tinalo niya si Keith Thurman. Magugunitang unang […]
-
P13.8 M SHABU, NASABAT SA ISANG HABAL-HABAL DRIVER SA BUY BUST SA CAVITE
DUMAYO pa ang isang habal-habal na driver sa Cavite upang magdeliver ng mahigit P13 milyon halaga ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jay-r Fuenteveros y Banal, alias “Panget”, nasa wastong edad ng Hermanos Compound, Bicutan, […]