• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT bukas sa extension ng SIM registration

BUKAS ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ma-extend ang araw ng deadline para sa SIM registration.

 

 

Sa April 26, Miyerkules na ang deadline ng SIM registration na itinakda ng National Telecommunication Commission (NTC)

 

 

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sasalang siya sa isang pulong sa pagitan ng public telecommunications entities (PTEs) at iba pang stakeholders upang malaman kung bakit mahigit pa sa kalahati ng bilang ng mga subscribers ang patuloy na hindi nairerehistro ang kanilang SIM.

 

 

Anya, mas mainam na ma-extend ang deadline ng SIM registration upang mabigyan ng panahon ang mga subscriber na makakuha ng valid IDs na kailangan sa pagpaparehistro ng SIM.

 

 

Pero dapat munang malaman kung ano ba ang tunay na dahilan at hindi makapagparehisto ng kanilang SIM ang mga subscribers at saka dapat magtakda ng extension para rito.

 

 

‘Kahit mag-extend tayo, kung hindi natin ma-identify ‘yung gap… Hindi magiging effective ‘yung extension… Dapat pag-aralang mabuti tignan ang problema,” sabi ni Uy.

 

 

Nitong April 20, 2023, may kabuuang 76,927,923 subscribers ang nagparehistro ng kanilang SIM o may kabuuang 45% lamang ng 168 million subscriber sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang mga subscibers ay may 180 days mula sa effectivity ng batas bago mairehistro ang kanilang SIM card o hanggang April 26, 2023.

Other News
  • Bulacan, nagsagawa ng job at livelihood fair sa Araw ng Kalayaan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Libu-libong mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga Bulakenyo dahil magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng ‘Job and Business Fair (Local and Overseas)’ sa Bulacan Capitol Gymnasium kahapon Hunyo 12, 2022, ika-9:00 ng umaga kasabay ang pagdiriwang ng […]

  • Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM

    KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.     Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.     “We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our […]

  • Vaccine expert panel, inirekomendang magamit ang Sinovac vaccine sa senior citizens

    Naghain na ng rekomendasyon ang vaccine expert panel (VEP) para magamit na rin ng senior citizens ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.     Ito ay kasunod ng ulat na ubos na ang paunang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines na ibinigay ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).     […]