• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT bukas sa extension ng SIM registration

BUKAS ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ma-extend ang araw ng deadline para sa SIM registration.

 

 

Sa April 26, Miyerkules na ang deadline ng SIM registration na itinakda ng National Telecommunication Commission (NTC)

 

 

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sasalang siya sa isang pulong sa pagitan ng public telecommunications entities (PTEs) at iba pang stakeholders upang malaman kung bakit mahigit pa sa kalahati ng bilang ng mga subscribers ang patuloy na hindi nairerehistro ang kanilang SIM.

 

 

Anya, mas mainam na ma-extend ang deadline ng SIM registration upang mabigyan ng panahon ang mga subscriber na makakuha ng valid IDs na kailangan sa pagpaparehistro ng SIM.

 

 

Pero dapat munang malaman kung ano ba ang tunay na dahilan at hindi makapagparehisto ng kanilang SIM ang mga subscribers at saka dapat magtakda ng extension para rito.

 

 

‘Kahit mag-extend tayo, kung hindi natin ma-identify ‘yung gap… Hindi magiging effective ‘yung extension… Dapat pag-aralang mabuti tignan ang problema,” sabi ni Uy.

 

 

Nitong April 20, 2023, may kabuuang 76,927,923 subscribers ang nagparehistro ng kanilang SIM o may kabuuang 45% lamang ng 168 million subscriber sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang mga subscibers ay may 180 days mula sa effectivity ng batas bago mairehistro ang kanilang SIM card o hanggang April 26, 2023.

Other News
  • Ads July 29, 2023

  • Ads May 8, 2024

  • Chinese tennis star Peng Shuai binawi ang pahayag na may inakusahan itong dating opisyal ng sexual assault

    ITINANGGI ngayon ni Chinese tennis player Peng Shuai na mayroong siyang inakusahan ng sexual assault.     Sinabi nito na wala itong inakusahan na nag-sexual assault ito sa kaniya.     Nauna rito naging malaking usapin ang social media post ng three-time Olympian noong Nobyembre na nag-aakusa ng sexual assault laban kay dating Chinese vice […]