• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom

KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes.

 

 

Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito.

 

 

“Do we know the group? Yes. Do we know the [advanced persistent threat], modus operandi? Do we have an international intelligence that says where they operate? Yes,” sabi ni Dy sa programang “The Source” ng CNN nitong Martes.

 

 

Sa kabila nito, binanggit din ni Dy na hindi pa ito sapat upang magsampa ng kaso dahil hindi pa nila kilala ang totoong pangalan ng mga kasangkot dito.

 

 

“Is that enough to file charges against certain people? Not yet. We don’t even know the real identity behind the group,” sabi ni Dy.

 

 

“[But] we have evidences, we performed forensics… We even know where they are putting the files.”

 

 

Pinuri rin ng DICT ang naging tugon ng PhilHealth sa cyber attack sa pamamagitan ng pag-turn off sa online access at sa coordination nito sa National Computer Emergency ng DICT.

 

 

“Based on our investigations, Philhealth database remains intact… It is accesible internally not externally due to the containment measures we put in place,” sabi ni Dy.

 

 

Nagbabala ang DICT na maaaring gamitin ng hackers ang mga nakuhang impormasyon para sindakin ang publiko at makuha nila ang hinihinging ransom.

 

 

“Their modus opperandi is that if they cannot force the victim, they will force the public… They will create panic, they will want the public to be the ones to lobby Philheath and the government to pay the ransom.

 

 

Maaalala na matapos ang cyber attack sa PhilHealth binalita na nagsagawa ito ng containment measures upang maiwasan na mas maraming impormasyon ang makuha.

 

 

Binanggit din ng DICT na nagdemanda ang cyberhackers ng $300,000 o higit P16 million na randsom kapalit ang kanilang pag-delete ng mga impormasyon na na-hack ngunit hindi raw ito ibibigay ng DICT alinsunod sa patakaran ng gobyernong hindi magbigay ng pera para sa ransom. (Daris Jose)

Other News
  • 200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS

    Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.     Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes.     Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]

  • 30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

    MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19     “Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.     “Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo […]

  • Mas maiksing quarantine para sa mga fully vaccinated health workers, pinayagan na ng IATF

    APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maiksing isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na infected o exposed sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos ang pahayag ng ilang mga ospital na kulang sila sa personnel matapos ang biglaang pagtaas […]