• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics

Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

“For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018  Asian Games at 2019 Southeast  Asian Games gold medal winner.

 

Inilabas kamakalawa ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang Joint Administrative Order (JAO).

 

Ang JAO ang maglalatag ng guidelines para sa physical at sports activities sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

“We all recognize the importance sport plays in buil­ding one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” ani PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

Nanatili sa No. 14 si Didal, nanalo sa Asian Skateboarding Championships 2020 Online Skate Lockdown Video Competition, sa World Skate official ranking para sa women’s street event.

 

Ayon sa World Skate, ang top three performers mula sa World Championships ang makakalaro sa Tokyo Olympics at ang 16 skaters ay may tsansa sa pamamagitan ng global rankings.

 

Awtomatikong nabigyan ang Japan ng tiket sa quadrennial meet bilang host country.

 

Bukod kay Didal, magsasanay sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu, may tsansa rin si 2019 SEA Games gold medalist Kiko Francisco na makakopo ng Tokyo Games berth.

 

“Kiko Francisco has been in and out of the Top 20 but that being said may season 2 of Olympic Qualifier points that are still available,” dagdag ni Sambrano.

Other News
  • Ads April 7, 2022

  • Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit

    Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021.     Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System […]

  • IRR sa SIM Registration, inilabas na ng NTC

    INILABAS na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang implemen­ting rules and regulations (IRR) para sa SIM Card Registration Act, na may kaakibat na mabigat na parusa para sa mga telephone companies (telcos) at subscribers na mabibigong tumalima sa batas.     Alinsunod sa IRR ng NTC, ang mga telco subscribers na tatanggi o mabibigong magrehistro […]