• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DIETHER, itinangging naging mapili kaya natagalang magka-project; naging abala sa flying school

MARAMING netizens ang nagulat nang malaman nilang balik-showbiz muli si Diether Ocampo. 

 

 

Matagal din siyang nawala sa limelight, akala ng iba ayaw nang mag-artista ni Diether at namimili na raw siya ng role.

 

 

Pero ngayon nga sa kanyang pagbabalik ay kasama siya sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba ng Dreamscape Entertainment.

 

 

Ayon kay Diether hindi siya namimili ng role kaya matagal siyang hindi tumanggap ng project.  Hindi raw lamang talaga magtugma ang kanyang schedule noon at ayaw din naman niyang tanggapin kung hindi talaga bagay sa kanya ang role.

 

 

Isa pa, that time ay nag-aaral siya sa flying school, pero nahinto ito dahil sa pag-iral ng pandemic.

 

 

Ngayong libre na siya, muli siyang tumanggap ng offer para muling mag-artista.

 

***

 

 

MUKHANG nakakuha ng bagay sa kanyang leading man si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose kay David Licauco.

 

 

First time magtatambal sina Julie Anne at David, pero ngayon pa lamang kinikilig na ang mga netizens sa mga lumalabas na behind-the-scene photos ng romantic-comedy series na Heartful Cafe.

 

 

Nag-post pa si David ng sweet selfie nila ni Julie Anne na may caption na “ay, yung crush ko,” kaya sabi ng mga netizens may chemistry raw silang dalawa at sana raw ay mapanood nila ang eksenang iyon sa rom-com series.  Umani ng libu-libong likes ang Instagram post na ito ni David.

 

 

Ang Heartful Cafe ay mapapanood na simula sa April 5, sa GTV.

 

 

***

 

 

FINALE week na ngayon ng Bilangin ang Bituin Sa Langit, at marami pang aabangan ang mga tagasubaybay sa GMA Afternoon Prime series.

 

 

Isa sa nag-trending sa social media at umani ng papuri ang revelation scene nina Maggie (Kyline Alcantara) at Jun (Yasser Marta). Dati silang mag-sweetheart, pero umiwas na sila sa isa’t isa nang malaman nilang si Ansel (Zoren Legaspi) pala ang tunay na ama ni Maggie dahil nagkaroon ng relasyon noon sa ina ni Maggie na si Nolie (Mylene Dizon).

 

 

Pero isang malaking revelation nga na hindi naman pala tunay na anak ni Ansel si Jun dahil anak siya sa ibang lalaki ng inang si Margaux (Ina Feleo) at ipinaako siya kay Ansel.

 

 

Kaya maraming netizens na sumusubaybay sa serye ang napaluha sa awa nila kay Jun na siyang nakaalam ng pagtataksil ng ina sa kinilala niyang ama.  May nga natuwa naman dahil libre na raw ipagpatuloy nina Maggie at Jun ang relasyon nila.

 

 

     “Bumilib ako kay Yasser dito,” comment ng isang netizen.

 

 

“First lead role niya ito pero magaling na siyang magdala ng mga eksena niya, may lalim na ang acting nya.  Kudos kay Yasser, magaling ang team-up nila ni Kyline, dahil mahusay na siyang young actress noon pa man.”   Marami pang revelations ang magaganap this week sa Bilangin ang Bituin sa Langit, pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • 3 railway projects nabinbin

    TATLONG malalaking proyekto sa sektor ng railways ang nabinbin dahil hindi nagkasundo ang Pilipinas at China sa pagpopondo ng nasabing proyekto.       Gusto ni President Ferdinand Marcos, Jr. na magkaron ng renegotiation para sa pagpopondo nito mula sa official development assistance (ODA) ng China. Pinag-usapan ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing issue […]

  • “Guko” nalambat sa baril at shabu sa Navotas

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang masita dahil walang suot na damit habang naglalakad sa Navotas City.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Angelito Jaime alyas “Guko”, 20, (user/listed) ng 95 B. Cruz St., Brgy. Tangos North. […]

  • 5 milyong doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa Resbakuna Kids, paparating ngayong buwan – Galvez

    INAASAHANG darating ngayong Pebrero ang nasa limang milyong Pfizer vaccine na gagamitin sa mas pinalawig ng pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 na nagsisimula na ngayon at sisimulan na rin sa Region 3 at 4- A.     Ito ang iniulat ni NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. […]