• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Digital Logbook System, ipatutupad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemyang COVID-19, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System na kaloob ng NSPIRE Inc. sa Marso 1, 2021 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani.

 

 

Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw ay bilang paghahanda sa mga empleyado sa bagong sistema sa pagpasok sa opisina na bunsod ng mga pagbabago sa nakaraang taon dahil sa COVID-19.

 

 

“This is to encourage the employees to be punctual. We’ve been lenient in understanding them dahil sa nawalan ng public transportation at nagpapasalamat ako dahil kahit ganoon, we are still able to serve our fellow Bulakenyos by working from home and skeletal arrangements using log books, but now we have to comply and observe work ethics while still following the health protocols,” ani Fernando.

 

 

Dagdag pa rito, sinabi ni Cynthia P. Abiol, pinuno ng Provincial Human Resource Management Office na dahil gagamitin na ang digital logbook system, hindi na kakailanganin na magsumite ng Daily Time Record (DTR), ngunit magsusumite pa rin lingguhang iskedyul para sa skeletal na pasok.

 

 

Bukod dito, ipinaliwanag ni Norminda Calayag mula sa Provincial Planning and Development Office, na pangunahing layunin ng nasabing aplikasyon ang contact tracing at masubaybayan ang attendance ng mga empleyado.

 

 

“Itong paggamit ng QR code ay individual at itatapat lang sa machine, hindi kailangan ng contact sa machine o sa tao. Provided ang QR code sa mga empleyado at meron din para sa mga Bulakenyong sasadya sa Kapitolyo,” paliwanag ni Calayag.

 

 

Ang nasabing sistema ay hatid ng NSPIRE Inc. sa pamamagitan ng pagkakaloob libreng ng software at QR code scanner.

 

 

Nakatuon ang kumpanyang ito sa mga proyektong may kinalaman sa teknolohiya na makatutulong sa pagpapaunlad ng mahusay na pagganap at operasyon sa trabaho.

Other News
  • LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics

    Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo.     Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round.     […]

  • Sa pagiging role model sa mga kabataan sa buong mundo: LEA, tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee

    Ang Philippines’ Pride na si Lea Salonga ang tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee for inspiring children of color around the world.   Ang Broadway Superstar at Disney Princess ay kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ng TIME100 Impact Awards na kumikilala sa mga pandaigdigang lider at visionaries na higit na sumulong sa kani-kanilang […]

  • “azərbaycanda Rəsmi Say

    “azərbaycanda Rəsmi Sayt Pin Upwards Casino ️ Azərbaycanın Rəsmi Saytı Content Pin Upward Rəsmi Veb-saytı — Imkanların Icmalı Bukmeker Kontorundan Digər Bonuslar Pin-up Aviator Flag Up Qazanmağın Ən Etibarlı Yoludur Pin Up Casino-da Hansı Oyunlar Var? ​ ​ Həftəli̇k Top Kazino Oyunlar​ Pin Up Casino Az Saytında Qeydiyyat Və Şəxsi Kabinetə Giriş Pinup Idman Mərcləri 💵 Uduşları […]