• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Digital version ng National ID tatanggapin sa passport application – DFA

TATANGGAPIN  na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte.

 

 

Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DFA na kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21, ang digitized version ng PhilSys ID o ang ePhilID para sa mga aplikasyon ng pasaporte.

 

 

Sinabi ng DFA na dapat ay malinaw, nababasa ang mga detalye sa naka-print na ePhilID at dapat ay naglalaman ng parehong mga detalye tulad ng ipinakita sa mga kinakailangan sa dokumentaryo sa panahon ng aplikasyon ng pasaporte.

 

 

“To facilitate its use as a valid ID accepted for passport application, the public is advised that the details in the printed ePhilID must be clear, readable, and contain the same details as the presented documentary requirements during the passport application,” anang DFA.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga passport requirements, pinayuhan ng DFA ang publiko na bumisita sa: https://dfa-oca.ph/passport/passport-requirements.

Other News
  • HB 5402: Senior’s discount sa traffic fines, minungkahi

    Ang House Bill 5402 ay inihainsamababangkapulunganupangmabigyan ng diskwento ang mga senior citizens ng 20 porsiento kung sakalisila ay mahulisamga traffic violations.   Si Rep. Dan Fernandez ng distrito ng Sta. Rosa City sa Laguna ang naghain ng nasabing HB.Ang HB 5402 ay naglalayonnaamendyahan ang Senior Citizens Act of 2003 (RA 7432).   “In furtherance of […]

  • C-Stand, NorthPort malakas – Ravena

    KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1.   “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

    “THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”     Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence […]