• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na

Iniulat ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na umaabot na sa 10,663,537 recipients ang nakapag-claim ng kanilang social assistance mula sa mga local government units (LGUs) hanggang nitong Martes.

 

 

“As of yesterday (Martes), 94.73% na po ang ating naipamigay na ayuda sa ­ating mga kababayan,” ayon pa kay Malaya.

 

 

Ang mga residente aniya na dumudulog at humihiling sa mga grievance committees na maisama sila sa listahan ng mga benepisyaryo ang gagawing prayoridad dito.

 

 

Nilinaw naman ni Malaya na kailangan pa rin munang i-check ng LGUs kung kuwalipikado silang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

 

 

Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng ECQ noong nakaraang buwan, bilang bahagi nang pagsusumikap na mapababa ang bilang ng mga taong mahahawahan ng COVID-19 sa rehiyon, partikular na ang Delta variant nito.

Other News
  • Tanod nahulihan ng shabu sa Valenzuela

    BAGSAK sa kulungan ang isang barangay tanod matapos makuhanan ng shabu makaraang masita sa boarder control point sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 of RPC at Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang suspek na kinilalang si Leonardo Roldan, 40, Barangay Tanod at residente […]

  • SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-INA SA VALENZUELA, SINAMPAHAN NA NG KASO

    DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City.     Siniguro ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na matatag at tatayo sa hukuman ang kasong isinampa nila laban kay Michael Francisco, 41 ng […]

  • Marcos spokes Vic Rodriguez, tinanggap na ang alok bilang next Executive Secretary

    TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na Executive Secretary, siya ang chief-of-staff at spokesperson ni Presumptive President Ferdinand “Bong Bong” Marcos.     Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos ngayong araw sa pamamagitan ng isang statement.     Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang […]