DILG Asec, inanunsyo ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Bulacan
- Published on March 8, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Bulacan.
Inaasahan na makaaapekto ang nasabing pasilidad sa buhay ng mga dependent sa iligal na droga gayundin ay makatulong sa komunidad sa pagsusumikap nitong sugpuin ang iligal na droga.
Aniya, ang DATRC ay isa sa mabisang mekanismo sa muling pagbabalik sa lipunan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng sustenableng programa ng gamutan at rehabilitasyon.
Gayundin, inanyayahan ni Bernabe ang mga Bulakenyo na lumahok sa programa ng DILG na tinawag na “BIDA – Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan”, isang buong taon na adbokasiya na naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng komunidad na mapababa ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga.
Pinuri rin ng assistant secretary ang pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa pagkakaroon ng aktibong Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na may kumpletong emergency response na kagamitan tulad ng bagong bili na disaster response vehicle, mga fire suit, bota, helmet, guwantes, hose at nozzle, AED, body monitor at self-contained breathing apparatus, gayundin ang maaasahan at well-trained na mga emergency responder.
Samantala, pinaalalahanan ni Bureau of Fire Protection Regional Director FCSUPT Roy Roderick P. Aguto ang publiko na maging handa sa anumang hindi inaasahang insidente ng sunog sa pamamagitan ng pananatiling ligtas at pagkakaroon ng listahan ng mga emergency number na madaling makita upang makatiyak sa agarang pagresponde ng tulong.
Para sa kanyang bahagi, naglinya ng iba’t ibang gawain ang PDRRMO sa pamumuno ni Manuel M. Lukban, Jr. kaugnay ng pag-obserba ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kabilang ang pagsasagawa ng pulong para sa koordinasyon; pamamahagi ng IEC materials sa buong lalawigan mula Marso 1-31; hosting sa Radyo Kapitolyo’s Bulacan Rescue Program sa Provincial Public Affairs Office tuwing Martes, 9:00 am -10:00 am; pagsasagawa ng fire safety inspection sa pakikipag-ugnayan sa BFP sa mga gusali sa Kapitolyo at iba pang ahensiya ng gobyerno; Oplan Lakbay Alalay (SUMVAC) sa Divine Mercy Shrine sa Marilao, Kapitangan, Paombong at Malolos Cathedral sa Lungsod ng Malolos mula Marso 27 hanggang 31; Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa San Ildefonso sa Marso 25 at PGB Fire Marshalls Quarterly Meeting sa PDRRMO Training Room sa Marso 26.
Gayundin, sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan-PDRRMO, BFP, DILG, iba pang katuwang na mga LGU ang paglulunsad ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng motorcade at panunumpa sa tungkulin ng mga Bulacan Fire Fighter Volunteer.
Bago ito, ginanap ang Basic/Advance Fire Fighting with Hazardous Materials Trainings sa Lungsod ng Olongapo mula Pebrero 26 hanggang Marso 2 at Pagsasanay sa “Kaalaman at Kahandaan ay Katatagan sa Kalamidad (K4) noong Pebrero 23 sa Hagonoy, Bulacan.
Hinimok ni Fernando ang publiko na laging doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang mga insidente ng sunog lalo pa’t nakapagtala ang Bulacan PDRRMO ng 129 fire incident emergency responses noong 2023.
-
No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip […]
-
Discover the new characters joining Gru’s chaotic adventures in “Despicable Me 4”
IT’S been seven years since the last “Despicable Me” movie graced theaters. So, what has everyone’s favorite villain-turned Anti-Villain League (AVL) agent been up to? In this eagerly awaited “Despicable Me 4,” Gru (Steve Carell) faces a whirlwind of changes. With the arrival of his and Lucy’s (Kristen Wiig) new baby, Gru’s […]
-
Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker
NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference. Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo. Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]