DILG Financial Housekeeping, pasado ang Navotas
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
PASADO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa tapat na pamamahalang pampinansyal.
“Ang pagpasa sa good financial housekeeping standards ay nagpapatibay sa ating pagsisikap na gugulin ang pondo ng bayan sa hayag at tapat na paraan,” wika ni Mayor Toby Tiangco. “Nagpapasalamat po tayo sa lahat sa kanilang patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala at kalidad na serbisyo publko. Ang pagtanggap natin ng pagkilalang ito ay nangangahulugan lamang na nasa tamang landas tayo tungo sa pagsisiguro na ang buwis ng mamamayan ay nagagamit nang mahusay para sa mga serbisyo at programang magbebenipisyo sa mga Navoteño.”
Ang isang lokal na pamahalaan na pumasa sa GFH ay sumunod sa Full Disclosure Policy of Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings tulad ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan o Procurement List, at Bid Results On Civil Works, Goods and Services and Consulting Services, at iba pa.
Meron din itong unqualified o qualified Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon.
Nakatanggap ang Navotas ng Unqualified Opinion ng COA, ang pinakamataas na marka na maaari nitong ibigay sa isang LGU o ahensya ng pamahalaan, sa apat na magkakasunod na taon. Ito lamang ang tanging LGU sa Metro Manila na may ganoong track record.
Ang lungsod ay nagawaran din noong nakaraang taon ng DILG Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ang GFH ay isang component ng SGLG kasama ang Disaster Preparedness, Social Protection, Business-Friendliness and Competitiveness, Peace and Order, at Environmental Management. (Richard Mesa)
-
Ilang lugar sa Metro Manila at Cavite, 1-linggong mawawalan ng tubig
MAY ISANG linggong mawawalan ng suplay ng tubig ang mga kustomer ng water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Cavite. Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na kabilang sa mga lugar na makakaranas ng water service interruption ay ang ilang lugar sa Las Piñas […]
-
Hidilyn Diaz nagpasalamat kay Nesthy Petecio sa dangal na inuwi nito para sa Phl
Nagpaabot ng kanyang pagbati si Hidilyn Diaz kay Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng silver medal ang naturang Pilipinang boksingero sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics. Ang panalo ni Petecio ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Summer Games kasunod nang gold medal finish ni Diaz sa women’s weightlifting. Pinuri ni […]
-
Nang mapanood ang movie nila ni Julia: ALDEN, ilang minutong ‘di nakapagsalita at naluha
AMINADO si David Licauco na noong bata pa, hindi naman daw niya naisip na magiging artista siya kaya hindi niya rin masabi na pinangarap niyang talaga ang maging action star. Pero, mahilig na raw siyang manood ng mga action films. “Siguro growing-up, pangarap kong maging Jackie Chan or Jet […]