• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, hiniling sa Facebook na alisin ang illegal e-sabong accounts

NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na alisin ang ilang pages, grupo at accounts na di umano’y nanghihikayat sa mga Filipino na mag- online cockfighting o “e-sabong”.

 

 

Lumiham kasi si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa social media giant na humihiling na i-block ang ilang Facebook pages at accounts na humihikayat sa mga users na maglaro ng illegal e-sabong sa lahat ng social media affiliates o subsidiaries nito.

 

 

Gayundin, nagsumite si Malaya sa Meta Platforms, Inc. — parent company ng Facebook —  ng listahan ng pitong grupo at accounts na identify ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group bilang nagki-cater ng online gamble.

 

 

“We look forward to fruitful cooperation, coordination, and collaboration on this matter in order to fully implement the ban on illegal e-sabong,” ani Malaya.

 

 

“We hope that Facebook will immediately suspend or block pages devoted to illegal sabong as fast as they suspend pages that allegedly violate their community standards. I presume that engaging in illegal activities is a violation of FB’s standards,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagtalima sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itigil na ang e-sabong operations sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay atas sa bank-supervised financial institutions (BSFIs) nito na alisin ang lahat ng operators mula sa “list of merchants” sa kani-kanilang online applications.

 

 

Nagpalabas naman ang central bank ng kautusan sa pamamagitan ng Memorandum 2022-026 na inaatasan ang BSFIs na ipaalam sa kanilang mga kliyente na may natitira pang pondo sa kanilang e-sabong accounts na ilipat na ang pondo pabalik sa kanilang e-wallets sa loob ng 30 days mula nang ipalabas ang memorandum.

 

 

“After 30 days, financial institutions are directed to disable the link between e-sabong accounts and e-money wallets, including e-sabong merchant operator accounts,” ayon sa BSP.

 

 

“This means that even if operators or bettors go underground, they cannot bet through Gcash and Paymaya anymore,” ang pahayag naman ni Año.

 

 

“Sa tulong ng ating mga kapwa ahensya ng pamahalaan, mawawakasan din natin ang mapinsalang e-sabong na nakasira na sa maraming pamilya sa ating bansa,” aniya pa rin.

 

 

Kung matatandaan, pinatigil ni Pangulong Duterte ang e-sabong operations noong nakaraang buwan kasunod ng DILG survey na nagpapakita na isinisisi ng mga apektadong lungsod at lalawigan sa virtual gambling ang pagkawasak ng moral values ng mga Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 3, 2021

  • Pinay MMA fighter nabigo sa muling paghaharap nila ni Ham Seo Hee

    NABIGO si Filipino fighter Denice Zamboanga sa muling paghaharap niya kay Ham Seo Hee.     Nakuha ni Ham ang unanimous decision laban kay Zamboanga sa ONE X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.     Sa naging panalo ngayon ng South Korean veteran mixed martial arts fighter ay kumbinsido na ang mga judges.   […]

  • Aabangan ng netizens kung sino ang tinutukoy sa tweet: POKWANG, may reresbakan na matandang walang pinagkatandaan

    NAGKAROON ng online mediacon para sa Argentinian movie na “Pasional” kunsaan ay pinagbibidahan ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres.     Humarap via zoom si Andrea kasama ang cast at production ng movie since katatapos lang nilang mag-shooting sa ilang beaches sa Pilipinas tulad ng Palawan .     Sabi nga namin kay […]