DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang intelligence reports kaugnay sa di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta.
Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na plano ng communist groups at ng kanilang di umano’y front organizations na pahiyain si Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon sa Hunyo 30
Sinabi ni Malaya na ang DILG at ang attached agencies nito na Philippine National Police (PNP) ay seryosong tinitingnan ang nasabing ulat.
“We are taking these intelligence reports seriously and we will do what is necessary to thwart any attempt to embarrass or discredit the forthcoming inauguration,” ayon kay Malaya.
Aniya pa, pinaigting ang security measures sa National Museum grounds sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue sa Maynila, kung saan inaasahan na magte-take oath of office si Marcos Jr.
Tinatayang 6,200 PNP personnel, hindi pa kasama ang ibang uniformed services, ang ide-deploy upang i- monitor ang mga key areas na malapit sa National Museum.
Kaya nga ang nasabing plano ng rebeldeng komunista ay hindi na nakagugulat dahil ang grupong ito ay desididong guluhin ang gobyerno.
“That’s part of their playbook. Whoever sits in Malacañang is their enemy because ultimately, all they want is to overthrow the government through violent means to be followed by a socialist revolution,” ayon kay Malaya.
Tinukoy ni Malaya ang ibinunyag ng apat na dating miyembro ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA) na ang mga rebelde ay nakikipagpulong sa mga magsasaka sa Hacienda Tinang.
Ang Hacienda Tinang ay ang kontrobersiyal na Tarlac farmland na nadawit sa kontrobersiya matapos na ang agrarian reform beneficiaries at kanilang kaalyado ay inaresto dahil sa sinasabing “uprooting existing plantations.” (Daris Jose)
-
Overseas voting sa Shanghai, China on hold pa rin
ON HOLD pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon. Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw. Inamin ni […]
-
Wimbledon tatanggalin na ang mga line judges
SA UNANG pagkakataon matapos ang 147 taon ay nagpasya ang Wimbledon an tanggalin na ang mga line judges sa lahat ng kanilang courts tuwing may tournaments. Ayon sa All England Club na simula 2025 championships ay gagamit na sila ng electronic line calling (ELC). Ang ELC ay siyang papalit sa mga […]
-
Inulit ang apela ni PDu30: Bong Go, nanawagan sa mga eligible Filipino na magpa-booster shots laban sa COVID-19
INULIT ni Senador Christopher “Bong” Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga eligible Filipino na magpa- booster shots bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, pinayuhan ng Chief Executive ang kuwalipikadong pinoy na magpa-booster shot na. Ito’y dahil […]