• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG kumanta na: Espenido pasok sa narco list

KINUMPIRMA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kasali si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido sa drug watchlist ng pamahalaan.

 

“Yes, that’s true and he will also undergo validation and possible investigation,” saad ni Año.

 

Una nang itinangging aminin o i-deny ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa na isa si Espenido sa mga pasok sa listahan at sinabing hindi nila isasapubliko ang mga pangalang sangkot sa may 357 kabuuang pulis na nasa narco list o dawit sa illegal drugs trade.

 

Sa panayam kay Gamboa, matapos ang body mass index test sa 80 mga pulis, sinabi nito nainsulto siya sa nangyari dahil nakiusap umano ito sa media na huwag ilahad sa publiko kung sino-sino ang nasa listahan dahil kailangan pang isailalim ang mga ito sa validation.

 

Hindi naman kinumpirma ni PNP chief na kabilang si Espenido sa bagong drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dumistansya si Gamboa tungkol kay Espenido at sinabing hindi nya sasagutin ang mga tanong ukol dito.

 

Nabatid na si Espenido ay isa sa mga frontliner police officers ng Pangulo sa kampaniya ng administrasyon kontra iligal na droga.

 

Naging laman ng balita ang pangalan ni Espenido matapos masawi ang mga suspected narco politicians na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog habang siya ang nagsisilbing chief of police sa nabanggit na mga lugar.

Other News
  • Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing

    PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman […]

  • CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL

    SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17.     Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]

  • DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre

    NAGLABAS  na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.     Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.     “The 13th month […]