DILG, magsasagawa ng “quarterly recognition” sa gagawing pagpapatupad ng LGUs sa Kalinisan Program ni PBBM
- Published on January 9, 2024
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng quarterly recognition sa mga Local Government Units (LGUs) na episyenteng ipatutupad ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Matagumpay na inilunsad kasi ang KALINISAN program, araw ng Sabado sa pamamagitan ng isang national simultaneous clean-up drive sa Baseco Compound sa Maynila, nataon naman sa pagdiriwang ng taunang Community Development Day.
Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos na titiyakin nila na imo-monitor mabuti ang pagganap ng 42,000 barangay sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“Sa DILG, imo-monitor namin ang performance ng bawat barangay on a monthly basis, and quarterly basis magkakaroon ng awarding ito…Tututukan talaga namin ito,” ayon sa Kalihim.
Aniya, pinapayagan ng programa ang mga Filipino na ipakita ang kanilang “spirit of volunteerism” habang tinitiyak naman ang ligtas at malusog na komunidad.
Hinikayat din nito ang lahat ng local chief executives na ipasa ang kani-kanilang mga ordinansa kung saan ire-require ang community service sa mga indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura.
Umaasa naman si Abalos na mas maraming Filipino ang magkakaroon ng disiplina na mas maging responsable sa pagtatapon ng kanilang kalat o basura.
“Sana ma-achieve natin na hindi na kailangan mahuli, dapat may disiplina. Dapat may disiplina ang bawat isa na hindi ka na sitahin,” ayon kay Abalos.
Samantala, nakiisa naman ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at LGUs sa buong mundo sa sabay-sabay na clean-up drive ng gobyerno. (Daris Jose)
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng sportsfest para sa mga PDL
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na palawigin ang rehabilitation programs para sa persons deprived of liberty (PDLs), pinangunahan ng Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pamumuno ni PCOL. Rizalino A. Andaya ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang ‘Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog […]
-
TUPAD ORIENTATION IN BULACAN
Governor Daniel R. Fernando with some of the 609 beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers in the province during the TUPAD Orientation as part of the Weeklong Celebration of Labor Day 2021 held at the Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan yesterday. Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang […]
-
Watchdog ‘Kontra Daya’, brainchild ng CPP-NPA-NDF dating kadre
IBINUNYAG ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng communist terrorist groups na ang Election watchdog Kontra Daya ay binubuo ng aktibong urban operators at infiltrators ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ang “Kontra Daya group” ay kilala sa hanay ng dating mga rebelde, kadre at organizers ng […]