• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, PNP gigisahin sa ambush at patayan

NAGPAHAYAG ng pag­kabahala si House Speaker Martin Romualdez sa sunud-sunod na patayan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya nagpasya itong ipatawag ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).

 

 

Ayon kay Romualdez, isang emergency hearing ang kanilang isasagawa ngayong Lunes bunsod ng sunud-sunod na ambush sa ilang elected officials.

 

 

“Nakakabahala na dahil parang halos every week may na-a-ambush,” ayon kay Speaker Romualdez.

 

 

Aniya, “gusto na­ting malaman sa PNP at DILG kung kaya ba nila itong pigilan at protektahan ang mamamayan dahil parang hindi na safe lumabas sa kalsada ngayon”?

 

 

“The way it looks mukhang pulitika ang motibo sa mga ambush kamakailan dahil mga politicians ang mga biktima,” pansin ng pinuno ng kongreso.

 

 

“We will ask the police and the DILG, saan ang problema? Intelligence ba? Or nagiging kampante na tao nila”?, pahabol ni Speaker Romualdez.

 

 

Matatandaang kamakailan lang ay malubhang nasugatan ang isang alkalde ng Maguindanao matapos tamba­ngan sa Pasay City.

 

 

Pebrero 3 naman nang pagbabarilin sa Pasay City ang sinasakyan kotse ng isang mag-asawang negos­yante at kasama nila.

 

 

At nitong Pebrero rin, in-ambush at napatay ang vice mayor ng Aparri, Cagayan.

 

 

Mapalad namang nakaligtas si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong sa ambush ngayong Pebrero rin, pero patay naman ang apat niyang police escort sa Maguindanao. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, nakatanggap ng mahigit na 9K inbound tourists simula ng muling magbukas ang borders ng bansa- DOT

    NANANATILING kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na mas tataas pa ang tourist arrivals kasunod ng muling pagbubukas ng borders ng bansa noong nakaraang linggo.     “As of February 14,” ang actual inbound tourist arrivals mula sa visa-free countries ay umabot sa 9,283.     Ipinakita rin sa data ng DOT na sa nasabing […]

  • RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA

    MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  para sa partial resumption ng face to face classes sa  University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.       Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na […]

  • Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round

    NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans.   Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha […]