DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.
Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.
“Totoo ‘yun kasi sa March 16, one year na tayo exactly. Kasi March 16 tayo last year nag-declare ng lockdown sa Luzon. Kumbaga exhausted na rin ang mga tao pati na rin ‘yung ating mga law enforcers,” wika niya.
Kamakailan lamang ay nagpasya na ang pamahalaan na paluwagin o tuluyang alisin ang ilang health protocols at requirements upang unti-unti nang maibangon ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.
Hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require sila ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe. Tanging RT-PCR test lamang din ang pinapayagan.
-
Middle class may bawas tax
MAKAKAGINHAWA na sa susunod na taon mula sa pagbabayad ng buwis ang mga middle class. Paliwanag ni Sen. Sonny Angara, na mananatiling chairman ng Senate committee on Finance, magbebenepisyo sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law) o Republic Act No. 10963 ang mga middle class tulad ng mga guro, ordinaryong […]
-
Sa rami ng pinagdaanan, naging matatag ang relasyon: RONNIE, ‘di naniniwala sa 7-year itch na kontra sa sinabi ni LOISA
HINDI naniniwala si Ronnie Alonte sa kasabihang 7-year itch, kontra sa sinabi ng gf niyang si Loisa Andalio. Sabi ni Ronnie, sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ng tandem nila ni Loisa, feeling niya ay matinding patunay ang pagiging solid ng relasyon nila up to now. Kaya naman nakikinig din sila sa […]
-
Ads June 2, 2023