DILG sa mga LGUs: ‘Sabong operations dapat compliant sa lahat ng health protocols’
- Published on February 3, 2022
- by @peoplesbalita
PINATITIYAK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa mga local government units na siguraduhin na nasusunod ang pagpapatupad ng minimum public health standards ngayong balik na rin ang operasyon ng sabong matapos ibaba ang alert level status ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa .
Simula February 1, nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa .
Nais ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na hindi magiging super spreader event ang pagbabalik operasyon ng mga cockpit at ang tradisyunal na sabong dahil nandiyan pa rin ang banta ng Covid-19 Omicron variant.
Hinimok ni Sec Año ang lahat ng mga provincial governors, city/municipal mayors, at punong barangays na siguraduhing naipapatupad ang batas at nasusunod ang compliance ng health and safety protocols ng management ng mga cockpits at cockfighting activities sa kanilang mga areas of jurisdictions.
Sinabi ng kalihim na ang maximum venue capacity para sa indoor gatherings ay 50% para duon sa mga fully vaccinated individuals batay sa IATF guideline.
Dapat ang mga on-site workers/employees ng nasabing establisimiyento ay dapat bakunado rin.
Kapag pumapasok sa isang sabungan dapat siguraduhin na maayos ang pagsuot ng face masks dapat sundin ang no facemask no entry policy at tiyakin ang physical distancing.
Inihayag ni Ano na mahigpit na imomonitor at iinspekssyunin ng mga pulis ang mga sabungan.
Kapag nahuling lumalabag ang isang sabungan agad ito ipapasara at mahaharap sa kaso. (Gene Adsuara)
-
3 timbog sa drug buy bust sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Adan Antoni, 38, construction worker, Judy Estuaria, […]
-
EDGAR ALLAN, natupad na ang pangrarap na maging endorser ng sexy intimate apparel kaya proud sa photo na naka-underwear lang
PROUD na inilagay ni Edgar Allan Guzman ang kanyang picture as the new endorser of the famed brand ng underwear. Dream come true para kay EA na maging bahagi ng family ng famous brand. Kapag kasi kinuha kang endorser ng brand na ito, it is tantamount to saying na you have arrived. Iba ang […]
-
Mayor Magalong, nagbitiw bilang tracing czar
NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kontra Covid-19. Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against Covid 19 ang pagbibitiw ni Magalong. Patuloy kasi ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya. […]