• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG Sec. Abalos pinagbibitiw ang ilang opisyal ng PNP

PINAPASUMITE  ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr ang lahat ng mga colonels at henerals ng Philippine National Police (PNP) na magsumite sila ng courtesy resignation.

 

 

Ayon sa kalihim na lumabas sa kanilang imbestigasyon kaya hindi masawata ang iligal na droga sa bansa ay dahil sangkot ang mga heneral at mga colonel.

 

 

Base na rin sa rekomendasyon ng PNP ay umapela na lamang siya na magsumite na ang mga ito ng courtesy resignation.

 

 

Dagdag pa nito na bagama’t nakakabigla ay ito aniya ang nakikita niyang tamang gawin para magsimula muli.

 

 

Mayroong committee ito ng binuo na mag-aaral sa mga profile ng mga opisyal na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Habang pinag-aaralan aniya ang kanilang courtesy resignation ay patuloy din ang mga opisyal sa paggampan ng kanilang trabaho.

 

 

Hindi naman nito binanggit kung sino-sino ang bubuo ng limang personalidad na mag-rereview ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na isinangkot ang mga matataas na opisyal ng PNP sa iligal na droga dahil noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pinangalanan na rin nito ang ilang heneral ng PNP na may kinalaman sa bentahan ng illegal na droga. (Daris Jose)

 

Other News
  • Asawa ni boxer Eumir Marcial ibinunyag ang ginagawang pambabae at pananakit nito

    IBINUNYAG ng asawa ni Olympic boxer Eumir Marcial ang ginagawang pambabae nito at pananakit. Sa social media account ni Princes Marcial, ay ibinahagi niya ang hindi magandang pangyayari sa apat na taon nilang pagsasama. Sinabi nito na nahuli niya ang asawa na may ibang babae sa isang condominium sa lungsod ng Pasay. Ipinaaresto umano niya […]

  • WYATT RUSSELL TALKS ABOUT THE SINISTER POOL AND HIS TROUBLED CHARACTER IN THE SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”

    Like his Night Swim character, Wyatt Russell (The Falcon and the Winter Soldier, Monarch: Legacy of Monsters) was a former athlete, one of the reasons director Bryce McGuire wanted him for the role of former baseball pro Ray Waller.        For the actor, being able to draw on his own experience as an athlete definitely helped […]

  • PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis

    Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis.     “I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar.     Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando […]