DILG: Travel pass, hindi na kailangan sa leisure purposes
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na umano kailangan pang kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa leisure purposes.
Ito, ang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, matapos na payagan na ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 ang leisure travel mula sa NCR Plus areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, patungo sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Malaya, ang kailangan na lamang gawin ng mga biyahero ay alamin ang travel requirements o mga guidelines ng local government unit (LGU) kung saan sila pupunta.
“Siyempre naalala ng ating mga kababayan ‘yung proseso last year na meron pang mga travel pass. Ngayon po, wala nang mga travel pass requirement,” pahayag pa ni Malaya, sa Laging Handa press briefing.
“Ang kailangan na lang po alamin ng ating mga kababayan ay kung ano ‘yung pamantayan ng LGU na inyong pupuntahan,” dagdag pa niya.
-
PDu30, nilagdaan ang mga batas na lumilikha sa LTO, LTFRB district offices
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 14 na batas na naglalayong magtatag ng district offices ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa 13 lalawigan sa bansa. Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Acts (RA) 11737, 11738, 11739, 11740, 11741, 11742, 11743, 11744, 11745, 11746, 11747, […]
-
MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso
MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador? Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays, na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days […]
-
Saso Athlete of the Year
NAPILI ang sumisibol na pambato ng bansa sa women’s professional golf na si Yuka Saso bilang 2020 Athlete of the Year sa virtual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City. Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o pandemic, naging inspirasyon ng mga kababayan ang […]