DILG, umapela sa mga lokal na pamahalaan na tumulong sa information drive ng SIM registration
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga local government units sa bansa na tumulong sa ginagawang information campaign ng pamahalaan hinggil sa SIM Registration Act sa bansa.
Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang reaksyon at opinyon ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pagpapatupad ng nasabing batas sa Pilipinas.
Sa isang pahayag ay hinimok ni Interior Secretar Benjamin Abalos Jr. ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na makiisa isa pagpapakalat ng mga benepisyo ng mandatory SIM card registration na alinsunod naman sa Republic Act 11934.
Ito aniya ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat maging sa online space sa gitna ng mga naglipanang iba’t-ibang cybercrime sa Pilinas.
Bukod pa dito ay ipinaliwanag din niya na sa pamamagitan ng nasabing batas ay matutulungan aniya ang Philippine National Police, kasama ang iba pang law enforcement agencies na masugpo ang talamak na electronic communication-aided criminal activities sa bansa tulad ng mobile phishing, text spams, online scams, bank frauds, at identity theft.
Sa pamamagitan kasi aniya nito ay madali nang matutunton ng mga otoridad ang mga indibidwal na gumagawa ng mga nasabing krimen.
Samantala, kaugnay nito ay nagbabala naman si Abalos na posibleng pagmultahin ng halagang Php100,000 hanggang Php300,000 at makulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon ang sinumang magtatangkang magbigay ng pekeng identity at dokumento sa pagpaparehistro sa ilalim ng nasabing batas.
Habang mahaharap naman sa anim na taong pagkakakulong at multa na Php200,000 ang sinumang mapatunayan na sangkot sa mga krimeng may kinalaman sa cybercrime.
-
P102-M halaga ng shabu nasabat ng PNP at PDEA sa Malate, Manila; Chinese national arestado
Arestado ng mga operatiba ng PNP at PDEA ang isang Chinese drug suspect sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Malate, Manila kung saan nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon. Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang naaresting Chinese national na si CHEN ZHINZUN/Yu Sison Tabuen “a.k.a” […]
-
[NOBELA] DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 36) Story by Geraldine Monzon
KAPWA nabuhay ang pag-asa sa mga puso nina Angela, Bernard at Andrea nang matagpuan nila ang dalaga sa harap ng dati nilang tahanan. Agad silang nagpa-DNA upang makasiguro sa katotohanang inaasam nila. Nang maiabot na ng doktor ang resulta ng DNA test ay agad binasa ni Angela ang hulihang bahagi nito. Natigilan siya at […]
-
Pacquiao, mananatiling Pambansang Kamao ng mga Filipino
MANANATILING “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao. “The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish […]