Dimaculungan tawid sa PLDT
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
PINALAKAS ni multi-titled volleybelle Rhea Katrina Dimaculangan ang PLDT Home Fibr sa pagtawid dito makaraan ang ilang taong paglalaro sa Generika Ayala Lifesavers at Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL).
Isiniwalat kamakalawa ng Power Hitter ang bagong puwersa na magpapasiklab sa koponan na gagabayan pa rin ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kasunod sa paglipat din ng team mula sa semi-professional PSL pa-pro Premier Volleyball League (PVL).
Huling umaksyon sa 8th PSL 2020 Grand Prix na binulilyaso lang ng Coronavirus Disease 2019 noong Marso ang 29 na taon, 5-8 ang taas na Batangueña setter sa Lifesavers makalipas makatatlong taon sa Petron.
Ilan pa sa mga bagong salta sa Home Fibr ay sina Maria Lina Isabel ‘Isa’ Molde, Maristela Genn ‘Marist’ Layug, Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray.
Susulong ang training camp muna sa Abril ng PVL sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bago buksan ang 2021 tournament sa Mayo. (REC)
-
“Unilaterally terminate” ang kasunduan sa UP, suportado ni PDu30
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na “unilaterally terminate” ang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na may kinalaman sa pagpasok ng state forces sa nasabing campus. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinatigan ni Pangulong Duterte ang nasabing desisyon dahil “alter ego” ng […]
-
ANGEL, mawawalan ng mga posibleng roles na puwede pang magampanan dahil sa laki ng itinaba
SOBRANG laki na ni Angel Locsin. May nakita kaming recent picture niya na kunsaan, naka-long dress ito at nagulat kami dahil ang laki ng itinaba niyang talaga. Kung health related ang nagiging weight gain ni Angel, sana nga ay ma-address ito ng maayos dahil nakahihinayang din kung dahil sa paglaki ng […]
-
IRR ng vintage vehicle law nilagdaan
NILAGDAAN kamakailan lamang ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jose Arturo Tugade ang implementing rules and regulations o ang IRR ng Republic Act 11698 o ang mas kilalang Vintage Vehicle Regulation Act. Noong nakaraang April pa naging effective ang nasabing batas na naglalayon na maprotektahan at maitaguyod ang vehicle heritage ng bansa […]