Dimaunahan may libreng virtual basketball clinic
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
LIBRENG aral sa laro ang handog ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball star Christiana Gabrielle Dimaunahan via online.
Ipinahayag kamakalawa ng kasapi ng reigning UAAP six-peat champion National University Lady Bulldog sa kanyang Instagram account, na magkakaroon siya sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado ng free virtual training siya para sa mga netizen na tagasunod ng kanyang social media application na Kumu.
“Live dribbling tutorial. Get better with Christiana Gabrielle Dimaunahan every TThS (Tuesday-Thursday-Saturday) 8:00-9:00 pm,” hirit ng 19 na taong-gulang na sophomore cager sa kanyang poster.
Magandang pakulo ito ng magandsang basketbolista dahil sa nag-eenjoy na siya’y nakakapag-training pa siya bilang paghahanda sa 84th UAAP 2021-22.
Kinansela ang second semester ng ika-82 edisyon o 2019-20 at ang ika-83 (2020-21) dahil sa Covid-19 pandemic. (REC)
-
MMDA, nagpaalala sa publiko kaugnay sa matinding trapiko simula ngayong araw
NAGPAALALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat asahan ang matinding trapiko sa 27th Asean Labor Ministers’ meeting simula Oktubre 25, ngayong araw. Nauna nang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Asean event ay gaganapin hanggang Oktubre 29 sa Taguig City. Sa pagsasagawa ng kaganapan, inaasahang […]
-
Darkness unfolds in the latest Blumhouse thriller, “Speak No Evil”
PRODUCER Jason Blum got a call from an executive who saw a thriller that got under his skin, and was eager to see this film. The movie was the 2022 Danish film, Gaesterne, and the screenplay went on to be the inspiration for the latest Blumhouse thriller Speak No Evil. “I’m always glad to be […]
-
Donaire target ang rematch kay Inoue
Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue. Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo. Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa […]