• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dimaunahan may libreng virtual basketball clinic

LIBRENG aral sa laro ang handog ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball star Christiana Gabrielle Dimaunahan via online.

 

Ipinahayag kamakalawa ng kasapi ng reigning UAAP six-peat champion National University Lady Bulldog sa kanyang Instagram account, na magkakaroon siya sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado ng free virtual training siya para sa mga netizen na tagasunod ng kanyang social media application na Kumu.

 

“Live dribbling tutorial. Get better with Christiana Gabrielle Dimaunahan every TThS (Tuesday-Thursday-Saturday) 8:00-9:00 pm,” hirit ng 19 na taong-gulang na sophomore cager sa kanyang poster.

 

Magandang pakulo ito ng magandsang basketbolista dahil sa nag-eenjoy na siya’y nakakapag-training  pa siya bilang paghahanda sa 84th UAAP 2021-22.

 

Kinansela ang second semester ng ika-82 edisyon o 2019-20 at ang ika-83 (2020-21) dahil sa Covid-19 pandemic. (REC)

Other News
  • 20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

    Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.   Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.   “Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]

  • Ads February 5, 2020

  • Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma

    IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education.   Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid. […]