Dinagsa ng mensahe ang pekeng Facebook account: JUDY ANN, masaya sa buhay at walang pinagdadaanan
- Published on May 30, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAKALOKA ang isang pekeng Facebook account na nagkukunwaring si Judy Ann Santos.Sa isang recent post kasi nito ay tila nagpapahiwatig ito na may pinagdadaanang matindi sa buhay si Judy Ann. Na kesyo nasasaktan na nang husto ang aktres at gusto ng sumuko.Dinagsa tuloy ng napakaraming mensahe ang naturang FB account sa pag-aakala ng mga netizens at fans na si Juday nga ang ka-message nila, mga taong concerned at nag-aalala kung ano ang pinagdadaanan ni Judy Ann.Pero iyon na nga, FAKE ang naturang FB page st hindi iyon kay Juday.May personal FB account si Juday pero ilang taon na niya itong hindi ginagamit at binubuksan.May isa namang official FB page si Judy Ann na para sa mga ganap niya sa kanyang career bilang aktres at endorser, pati na rin mga ganap sa ‘Judy Ann’s Kitchen’ na balik-Youtube na muli at ang Angrydobo branches sa Alabang at sa Taft.Ilang beses na ring ni-report ang naturang peke na FB page pero tila wala pang nangyayari.Happy si Judy Ann sa buhay niya at walang katotohanan ang nasabing post.
***
MULI na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”
Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards. Personal namang tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year. Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Kamakailan lang, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama. Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.
Congratulations, Team Abot-Kamay Na Pangarap!
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Denden umawra sa Olympic website
PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod. Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]
-
PCG, nakapagsagip ng mahigit 180K survivor mula sa bagyong Kristine
Naisalba ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 186, 245 survivors mula sa mga lugar na binaha dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Kristine. Ang mga nasagip na indibidwal ay mula sa Bicol, Southern Tagalog, Northeastern at Northwestern Luzon, NCR, Eastern, Southern at Western Visayas at Northeastern Mindanao. Sa situational […]
-
Impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain sa Kongreso: Walang kinalaman dito ang Office of the President – ES Bersamin
“THE Office of the President has nothing to do with it.” Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito […]