• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project

MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network. 

 

 

Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa Covid-19 virus. Kaya almost a year na ring hindi gumagawa ng bagong project si Dingdong.

 

 

Kaya nagpapasalamat siya na tuluy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng mga episodes ng Amazing Earth na may tatlong special episodes sa pag-celebrate nila ng 3rd anniversary nito, na nagsimula last Sunday, June 13, sa bago rin nitong timeslot, 7:40PM.

 

 

May dalawa pang Sundays, June 20 at June 27, na may mga special guests sila sa bawat episode. Unang nakasama ni Dingdong sa Pasig Mayor Vico Sotto.

 

 

Inamin naman ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagpapasalamat siya sa GMA Network na ibinalik ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Autumn in My Heart na pinamagatang Endless Love na pinagtambalan din nilang mag-asawa.

 

 

Ngayon daw ay sabay pa rin nilang pinapanood ni Dingdong ang serye na ipinalabas pa noong 2004.

 

 

This week ay mapapanood na sila gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya, bago ang finale week ng Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

LUMIPAT pala ng talent management si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Nasa Crown Artist Management ni Maja Salvador na si Jasmine mula sa Vidanes Talent Agency ni Betchay Vidanes. 

 

 

Matagal na rin si Jasmine sa said talent agency na kasamang mina-manage si Robin Padilla at iba pang kapatid nito, ganoon din si Mikael Daez, kaya maraming nagulat nang mag-post si Jasmine sa kanyang Instagram account ng:     “And suddenly you know: it’s time to start something new and trust the magic of new beginnings – Meister Eckhart.  To new beginnings at @crownartistmgmt.”

 

 

Meanwhile, muling babalik sa lock-in taping sina Jasmine, Alden Richards, Tom Rodriguez, at buong cast ng teleserye.

 

 

Sa Instagram post ni Jasmine: “been such a fun and light working environment on the set of ‘TheWorldBetweenUs,’ and I’m very happy to be sharing our teaser with you all!” 

 

 

Umaabot na sa more than 82 thousand views ang teaser after wala pang one day na nai-post ito ni Jasmine.

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, malapit na ang airing nito sa GMA Telebabad, sa July, ipapalit sila sa romantic-comedy series na First Yaya.

 

 

***

 

 

NATUWA ang mga fans ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo nang makitang kasama na sa mga upcoming teleseryes ng GMA Network na gagawin this year ang book two ng Prima Donnas.

 

 

Nangangahulugan din iyon na mabubuo na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Lenlen (Sofia Pablo), dahil pwede nang magtrabaho si Sofia.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PATULOY na pinupunan at dinadagdagan ang listahan ng mga soon-to-be cabinet officials ng administrasyong Marcos.

    Sa katunayan, kasama na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at retired General Jose Faustino Jr. sa mga magiging miyembro ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos.     Sinabi ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, itinalaga ni Marcos Jr. si Enrile bilang presidential legal counsel, si Guevarra bilang […]

  • Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR

    UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region.     Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila.     Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan […]

  • After nang kinagiliwang vlogs kasama si Borgy: Sen. IMEE, nakipag-bonding naman kay Atty. MICHAEL sa isang rare interview

    ISA na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na dalawang bagong vlogs ang hatid ni Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na YouTube channel na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.   Una na rito, nagbigay-pugay si Sen. Imee sa kanyang ama at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., bilang pagunita sa ika-33 […]