DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28.
Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino film industry creatives, artists, filmmakers, at mga pelikula na nakatanggap ng parangal mula sa established international film festivals at award-giving bodies ng nakaraang taon.
Kabilang sa FAN 2021 honorees ang A-Listers na filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz. Ang A-Listers ang mga nanalo ng awards sa prestihiyosong A-List international film festivals na idineklara ng International Federation of Film Producers Associations (FIAPF).
Tinanggap ni Rafael Manuel ang Berlinale Shorts Silver Bear Jury Prize para sa “Filipiñana” sa ika-70 na Berlin International Film Festival sa Germany habang napanalunan ni Lav Diaz ang Orizzonti Award para sa Best Director para sa “Lahi, Hayop (Genus Pan)” sa ika-77 na Venice International Film Festival sa Italy.
May anim na honorees sa Feature Films category: “Sunshine Family” ni Kim Tai-Sik, “Write About Love” ni Crisanto Aquino, “Latay (Battered Husband)” ni Ralston Jover, “Pan de Salawal” ni Che Espiritu, “Lingua Franca” ni Isabel Sandoval, at “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez. Ang honorees sa Directors category ay sina Maria Diane Ventura para sa “Dein Fabre,” Mallorie Ortega para sa “The Girl Who Left Home,” at Derick Cabrido para sa “Clarita.”
Tampok sa Actors category sina Cristine Reyes para sa “UnTrue,” Ruby Ruiz para sa “Iska,” Elijah Canlas para sa “Kalel, 15,” Louise Abuel para sa “Edward,” Isabel Sandoval para sa “Lingua Franca,” Alden Richards para sa “Hello, Love, Goodbye,” Lovi Poe at Allen Dizon para sa “Latay,” at ang cast members ng “Kaputol” na sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, at Ronwaldo Martin.
Sina Dingdong Dantes at Arjo Atayde ang television awardees na napabilang sa FAN 2021 Actors list.
“Philippine Cinema continues to thrive amid the pandemic because Filipino filmmakers and artists did not allow the global health crisis to derail them from sharing our stories to the world. Through the Film Ambassadors’ Night, we celebrate their efforts and laud their achievements,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Ang iba pang categories ng FAN ay ang Short Films, Documentaries, Creative Awards, at Special Citation.
Ang dalawang Special Citation recipients ay ang beteranong direktor para sa telebisyon at pelikula na si Luisito Lagdameo Ignacio at ang yumaong filmmaker at International Film Festival Manhattan co-founder na si Gerry Balasta. (ROHN ROMULO)
-
Marvel’s ‘Morbius’ Brings Out a Dark, Unforgettable Side of Jared Leto
JARED Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable. “I’m attracted to roles where there’s an opportunity to transform – physical transformation, but also mental, emotional, any and all,” says Jared Leto, who is indeed renowned for his transformations. […]
-
Tuwang-tuwa dahil ‘di nagbago ang Megastar: SHARON, hindi pa rin maka-get-over sa mga sinabi ni JESSICA
AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya maka-move on sa mga magagandang sinabi ni Ms. Jessica Soho. Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, “Hanggang ngayon, di parin ako makaget-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa youtube channel ko. “Iba kung ang isa sa pinakatitingala […]
-
PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act
PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen. Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala. Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 […]