DINGDONG at MARIAN, dedma at ayaw nang patulan ang isyung ‘nakabuntis’
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
DEDMA as in dedma ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ginagawang isyu o paninira sa kanilang mag-asawa.
Walang sinasagot si Marian sa mga netizens na nagtatanong tungkol sa pinakakalat na fake news tungkol sa mister niya at sa dati nitong co-star sa dating serye sa GMA-7. Obviously, ayaw patulan ng mga ito.
Hindi man tahasang sinabi na sagot ni Marian sa mga nag-iimbento ng tsismis ang ni-repost niyang IG stories kunsaan, ang unang nag-post ay ang Team Marian at picture ni Marian bilang si Ynang Reyna Minea sa Encantadia at may caption na “Pashnea”
Ni-repost ito ni Marian saka nilagyan ng caption na “Bwahahahahah! Magandang Umaga…”
Nananahimik sina Marian at Dingdong kasama ang dalawang anak na sina Zia at Sixto at masasabing mas lalo pang tumitibay ang pagsasama, pero tila merong mga walang magawa o naghahanap ng pantakip sa ibang isyu ang nag-imbento ng isyu na kesyo nakabuntis si Dingdong?
Sanay na sanay lang talaga sa pag-iimbento ng fake news.
May mga theory na kesyo sinisira raw si Dingdong. Iniisip yata na tatakbo ito sa election, huh!
***
WINELCOME na sa ASAP Natin ‘To si Janine Gutierrez.
Halatang kinikilig si Janine sa naging pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya, lalo na ang mga bago niyang makakasama sa ASAP.
Nag-post din si Janine at ‘di ma-contain ang kilig na ang pangalan niya ay kahilera na sa promo ng ASAP.
Sey ni Janine, “waah!!! Omg! Thank you so much for the welcome!”
Sa isang banda, maganda na rin ang pasok ni Janine sa ABS-CBN dahil posibleng bukod sa ASAP ay mapanood na rin ang ibang shows ng network at hindi lang sa A2Z kung hindi sa TV5 na rin.
***
PUBLIC na talaga ang relasyon ng dalawang Kapuso na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Marami naman ang nag-heart sa photo at video na pinost ni Ruru kunsaan, sabay silang nagja-jogging ni Bianca habang umuulan.
Naka-topless si Ruru habang naka-two piece na pang-exercise si Bianca pero parehong seksi-seksihan.
Ramdam sa post ni Ruru na miss nga nito ang girlfriend. Sabi ni Ruru, “Miss you. Each Day. Everyday. All the time.”
Parehong busy ang dalawa ngayon sa magkahiwalay nilang serye. Kaya kapag may free time lang siguro nakakapagnakaw ng mga moments nila. Madalas, pareho silang naka-lockin taping ngayon. Si Bianca sa Legal Wives at si Ruru naman sa Lolong. (ROSE GARCIA)
-
Karate magtatayo ng bubble training camp sa Laguna
HINIHINTAY na lamang ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSFP) ang go-signal mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) para makapagtayo ng bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna upang paghandaan ang nalalapit na Olympic Qualifying Tournament. Ayon kay KSFP president Richard Lim, kumpiyansa silang masisimulan na […]
-
UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide
SINABI ni UN chief Antonio Guterres na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot, pagbaha at heatwaves. Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa […]
-
PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN
IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13. Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]