• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG at MARIAN, dedma at ayaw nang patulan ang isyung ‘nakabuntis’

DEDMA as in dedma ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ginagawang isyu o paninira sa kanilang mag-asawa.

 

Walang sinasagot si Marian sa mga netizens na nagtatanong tungkol sa pinakakalat na fake news tungkol sa mister niya at sa dati nitong co-star sa dating serye sa GMA-7. Obviously, ayaw patulan ng mga ito.

 

Hindi man tahasang sinabi na sagot ni Marian sa mga nag-iimbento ng tsismis ang ni-repost niyang IG stories kunsaan, ang unang nag-post ay ang Team Marian at picture ni Marian bilang si Ynang Reyna Minea sa Encantadia at may caption na “Pashnea”

 

Ni-repost ito ni Marian saka nilagyan ng caption na “Bwahahahahah! Magandang Umaga…”

 

Nananahimik sina Marian at Dingdong kasama ang dalawang anak na sina Zia at Sixto at masasabing mas lalo pang tumitibay ang pagsasama, pero tila merong mga walang magawa o naghahanap ng pantakip sa ibang isyu ang nag-imbento ng isyu na kesyo nakabuntis si Dingdong?

 

Sanay na sanay lang talaga sa pag-iimbento ng fake news.

 

May mga theory na kesyo sinisira raw si Dingdong. Iniisip yata na tatakbo ito sa election, huh!

 

***

 

WINELCOME na sa ASAP Natin ‘To si Janine Gutierrez.

 

Halatang kinikilig si Janine sa naging pagtanggap sa kanya ng mga Kapamilya, lalo na ang mga bago niyang makakasama sa ASAP.

 

Nag-post din si Janine at ‘di ma-contain ang kilig na ang pangalan niya ay kahilera na sa promo ng ASAP.

 

Sey ni Janine, “waah!!! Omg! Thank you so much for the welcome!”

 

Sa isang banda, maganda na rin ang pasok ni Janine sa ABS-CBN dahil posibleng bukod sa ASAP ay mapanood na rin ang ibang shows ng network at hindi lang sa A2Z kung hindi sa TV5 na rin.

 

***

 

PUBLIC na talaga ang relasyon ng dalawang Kapuso na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

Marami naman ang nag-heart sa photo at video na pinost ni Ruru kunsaan, sabay silang nagja-jogging ni Bianca habang umuulan.

 

Naka-topless si Ruru habang naka-two piece na pang-exercise si Bianca pero parehong seksi-seksihan.

 

Ramdam sa post ni Ruru na miss nga nito ang girlfriend. Sabi ni Ruru, “Miss you. Each Day. Everyday. All the time.”

 

Parehong busy ang dalawa ngayon sa magkahiwalay nilang serye. Kaya kapag may free time lang siguro nakakapagnakaw ng mga moments nila.      Madalas, pareho silang naka-lockin taping ngayon. Si Bianca sa Legal Wives at si Ruru naman sa Lolong. (ROSE GARCIA)

Other News
  • “I wish them the best”, ang ipinaabot ni Sec. Roque sa 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections

    “I wish them the best.”   Ito ang iniaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections.   “Dalawa lang ang tumanggap, si Vice President Robredo at former Senator Trillanes. I wish them the best kaso mukhang mahirap talaga ang kausap ng 1Sambayan kasi karamihan ng na-nominate ay tumanggi,” […]

  • SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ

    TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo.     Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng […]

  • ‘Spider-Man: No Way Home’ Cracks Open The Multiverse In New International Poster

    A new international poster showcasing the shattering of the multiverse in Spider-Man: No Way Home and once again stars Tom Holland as the titular hero in his third solo MCU outing.     The film debuted last month and has unsurprisingly become a box office sensation.     Spider-Man: No Way Home picks up after the events of Spider-Man: Far From Home, […]