• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, personal na naranasan ang hirap ng isang delivery rider; MARIAN, muling ipinasilip ang ‘bikini body’

PERSONAL na naranasan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang matinding hirap na pinagdaraanan ng isang delivery rider.

 

 

Noong Valentine’s Day, isa nga si Dingdong sa nag-deliver sa natanggap na orders sa kanilang delivery app business na DingDong na ni-launch last year at may masuwerteng nakatanggap din ng regalo mula sa Dunkin’ Donuts na ini-endorse niya.

 

 

Post ni Kapuso actor/TV host sa kanyang FB at IG account,I finished 6 deliveries this Valentine’s Day. But on an average, delivery riders accomplish around 8-10 transactions on good days like this one.

 

 

I started at 9:30am and ended before 3pm, and as i sit here at home waiting for early dinner, I realize how difficult this job is. There are so many factors to consider: heat, dehydration, heavy traffic, wrong addresses – which can cause panic and delays, customer’s temperament, plus the danger of getting into accidents especially if you have not been properly trained.

 

 

Dagdag pa niya, And yet, our riders out there try to wear a smile at all times, and make everything look bearable. Maybe it’s because of their clear “why” and strong motivation. Ginagawa nila ito para sa mga mahal nila sa buhay.

 

 

Kaya hanga talaga ako sa lahat ng delivery riders na araw araw ay tapat at magalang na naglilingkod at tumutulong sa pag-arangkada ng ekonomiya ng bansa. And today, mas lalo pang tumindi ang paghanga at respeto ko sa inyong lahat.

 

 

That’s why i will never get tired of my mission of professionalizing this industry, especially for those who want to be successful in this field.

 

 

Ang DingDong app ay nabuo bilang business idea nang si Dingdong mismo ang personal na nagdi-deliver ang flower arrangement ng Flora Vida by Marian Rivera, ang business na tinayo ng kanyang asawa. Layunin din nito na makatulong sa mga kasamahan sa entertainment industry na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

 

 

Samantala, naging masaya pa rin ang simpleng celebration ng Valentine’s Day ng pamilya Dantes, na kung saan nag-prepare si Marian ng early dinner treat.

 

 

For sure, isa sa niluto ni Marian ang request nang mag-amang Dingdong at Zia ang kanyang special spaghetti, na nabanggit ng aktres sa zoom mediacon ng WalterMart Supermarket na kung saan kasama na niya si Zia bilang endorser, na kinigiliwan sa kanilang bagong TVC.

 

 

***

 

 

MAY Valentine’s treat din si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang mga followers.

 

 

Sa kanyang Instagram post, muli niyang pinasilip ang bikini body with killer abs at may caption na, Hope you guys are having a sweet day with your loved ones today Happy Valentine’s!
     “Ang aking larawan ay kuha ng aking asawa. @dongdantes.”

 

 

Agad naman nag-react ang netizens na followers ng fashionpulis.com sa post na ito ni Marian na pinatutunayan lang na hindi siya buntis:

 

 

“Subtle way para sabihin na hindi siya buntis.”

“She gave birth twice but still managed to have that figure. WOW!”

“Asan ang hustisya jusko mas mukha pa akong nanganak kay Marian!”

“Oh ayan na hinihintay nyo. Hopia kayo!

“Grabe naman the abs.”

“Wow super HOT. THIS NEGATES THE SPECULATIONS.’

“Oo na, magdadiet na talaga ako bukas. Lol. Kainis naman toh. Binigyan na nga magandang mukha tapos yan pa ang katawan after 2 kids.”

“True! May magagandang mga anak may abs pa! Pengeng konting swerte girl.”

“Ganda pa rin ni Marian!”

“Pamatay ang abs.”

“Lalong bumabata ang hitsura niya.”

“Grabeng abs yan, nagmumura. I didn’t know nagwowork out din si Marian.”

“Looking for validation and praise. Hahaha.”

“Tell me how often does she post herself in a bikini? Everyday ba? Or how many selfies does she post in a day. May kilala ako atleast 5 posts/ stories pinopost a day.”

“wag kang ano. Validation yan na hindi sya buntis. And praise? Pununong puno sya nyan, di nya yan kelangan from people like you na naghahanap ng nega sa taong puro positive lang ang nangyayari sa buhay.”

“parang inedit pero ako lang to ha!”

“Sakit noh? Nakikita mo na pero deny ka pa rin. Yung isa kasi, nangako ng abs sa workout routine kineme niya kaso ning tinanong king meron na, waley pa rin. Partida dalawa pa ang junakis niyan ha! Pikit na lang mars kapag masakit na ang katotohanang sexy si marian.”

“Ayan pinagpipilitan pa rin kasing buntis, inferness palaban ang pandesal ni Marimar. Sana all talaga.”

“Sana ol pag nag swimming at pictorial natural gaya nya. Yung iba todo sa makeup at alahas.”

“Pak sa mga chismosang nagpipilit na buntis si Marian!”

“So asan na ang may sabing buntis sya?”

“Tumaba sya. Pero bagay naman.mas ok yung ganyang katawan kesa super payat.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 ‘mas mataas nang 42%’

    UMABOT  ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.     Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023. […]

  • X-Men Joins MCU, Charlize Theron Will Suits Up As Mystique

    EVERYBODY can’t wait for the X-Men to join the Marvel Cinematic Universe and now we have our first look at what Charlize Theron could look like as Mystique.     Across her illustrious career, of the Oscar winner actress, has taken on many roles; however, there is one role that has long alluded her: a […]

  • After na maging busy ng ilang buwan sa work: DINGDONG, masayang ibinahagi ang latest family bonding ng ‘Dantes Squad’

    KAPURI-PURI at talagang pinupusuan ng mga netizen ang IG post ni Dingdong Dantes na kung saan ibinahagi niya ang masayang family bonding.   Kasama ng series of photos na kinunan niya, makikita ang mag-iinang Marian Rivera, Zia at Sixto. Enjoy at seryoso nga sila sa kani-kanilang personalized artwork, na lumabas namang magaganda.   Caption ng […]