• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout

LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year.

 

 

At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan.

 

 

Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay na anak na si Zia Dantes, tungkol sa ginagawa niyang pagwo-workout araw-araw na nasa ika-15th week na.

 

 

“I make it a point to try and engage in any physical activity every morning.

 

 

“Because of the routine, Zia would ask, ‘Dad, why do you work out most days even while we are all still sleeping?’” panimula ng asawa ni Marian Rivera.

 

 

Dagdag paliwanag pa ng award-winning actor tungkol sa pagtatanong ni Zia.

 

 

“That genuine question deserves nothing but a sincere response. I told her, ‘…it’s because I want to be healthy for you and our family. I want to live longer and see you achieve your goals and dreams when you grow up.’

 

 

“‘I want to be able to carry you comfortably even when you’re…35.

 

 

Sa pagtatapos pa ni Dingdong, pinasalamatan niya ang ate ni Sixto.

 

 

Sey pa niya,During that conversation, I forgot to thank Ate Z because her curiosity reminded me of the reason why I am doing all of these.

 

 

“Sometimes, we get misaligned from our objective, but what’s definite is that HE uses beautiful messengers to get us back on track.

 

 

Samantala, naalala namin na maging si Marian ay hindi nagpapahuli sa pagwo-work, sa vlog ni Aiko Melendez na #AikonTalks, natanong nga si Marian kung paano niya nami-maintain ang sexy body kahit may Zia at Sixto na sila ni Dingdong.

 

 

“Hindi lang ako nakaka-post, may mga nagri-request, kaya ita-try kong I-post.

 

 

“Kasi pagod na pagod ako, basang-basa sa pawis, parang nahihiya ako minsan na I-post ‘yun, parang wag na lang.”

 

 

Pag-amin pa ni Marian sa kanilang pagwo-workout ni Dong.

 

 

“Sabi ko nga, minsan nag-uusap kami ni Dong. Nagwo-workout kami hindi para sumeksi, ang goal namin ngayon ay maging healthy para sa mga anak namin.

 

 

“Atleast magawa pa rin namin, masabayan pa rin namin kahit malaki na sila, na kaya pa namin masabayan sila kahit matanda na kami ni Dong.

 

 

“Kaya kailangan na maging healthy kami para sa pamilya namin.”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pasok suspendido sa gov’t offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay ‘Florita’

    SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” at Habagat.     Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay […]

  • NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez

    NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at ilang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa paghataw sa Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola na mga Navoteño seniors na bahagi ng ika-118th Navotas Day celebration. (Richard Mesa)

  • Bukod sa pagsabak din sa maiinit sa eksena: MAVY, puring-puri ang mahusay na pagganap ni ZOREN

    IDOL ng SPARKADA member na si Sean Lucas ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix.     Bilib nga raw si Sean sa talento na pinapakita ni Miguel. Magaling daw kasi itong kumanta, sumayaw at umarte. Para sa kanya ay triple threat si Miguel.     Noong mag-audition nga raw si Sean sa GMA Artist […]