DINGDONG, sinamahan at all-out ang suporta sa pagiging hurado ni MARIAN sa ‘Miss Universe’
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
ALAS-ONSE ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kasama rin ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na lumipad papuntang Eilat, Israel.
Kasama rin ang kanyang glam team na pinangungunahan ni Steven Doloso at ilang staff ng Triple A.
All-out ang suporta ni Dingdong kay Marian na ayon kay Yan, ang una niyang sinabihan nang malaman niya na kinukuha siya ng Miss Universe organization na maging isa sa miyembro ng selection committee.
Sa Instagram post nga ni Dingdong ay pinagsisigawan nito gaano siya ka-proud kay Marian at ito raw ang kanyang Miss Universe.
Pinost din ni Dingdong ang sagot ng kanyang misis tungkol sa pamba-bash dito sa pagsasalita niya ng English.
“Siguro aaminin ko, para sa akin, minsan lang kasi mabigyan ang isang tao ng ganito kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U na kunsaan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat. Para sa akin, isang malaking karangalan ito.
At sabi rin niya, “At siyempre, bukod do’n, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko kung hindi Filipino.
“At kinuha nila ako dahil sa aking body of work bilang isang Filipina at ang masasabi ko lang, kilala niyo naman ako. Hindi naman ako mapagpanggap, ‘di ba?
“So, i-e–express ko ang sarili ko na naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ‘yan.”
Sa isang banda, mukhang parehong first time nilang dalawa sa Israel.
***
DEPENDE raw para kay Barbie Imperial ang live-in.
“Depende sa dalawang taong magli-live-in talaga. Kasi may kakilala ako na nang mag-live-in sila, mas nag-work ang relationship nila. Meron naman na na-realized nila na hindi sila nag-work.
“So depende talaga.”
Para naman kay Diego Loyzaga, naniniwala raw siya na dapat ay merong trial period. Hindi raw ‘yung biglaan.
So tingin namin, more on sleep-over ang peg ni Diego.
“Pwedeng this week, sleep muna siya doon, then next week sleep siya dito. Parang progressive, hindi biglaan.”
Ang kuwento ng kanilang movie na mapapanood na rin sa Vivamax simula sa December 10, ang Dulo ay may live-in set-up sila.
Pareho naman din sina Barbie at Diego na aiming sa kanilang controversial relationship na hanggang Dulo na nga sila.
***
SAMPUNG taon ng Kapuso si Sef Cadayona at kaka-renew lang niyang muli ng kanyang kontrata sa GMA Artst Center.
Napatunayan daw ni Sef sa sarili niya ang “Dream, Believe, Survive” ng StarStruck kunsaan nagsimula ang journey niya.
Very grateful si Sef sa GMA-7 na talaga namang na-uncover ang mga talento niya lalo na sa pagpapatawa at maging sa creative side. Kaya naman nga even si Michael V ay obvious ang tiwala sa kanya.
From Bubble Gang to Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento kunsaan, siya ang gumanap na young Michael V.
Sa isang banda, makulay ang mga past relationships ni Sef kunsaan, na-link o nagkaroon ito ng relasyon sa ilang naggagandahan at nagseseksihang aktres mula kay Yassi Pressman, Andrea Torres at Maine Mendoza.
Cliché man daw sabihin, pero sa ngayon, wala raw siyang time sa lovelife so sinasabi nitong zero o single siya.
Tawa naman nang tawa si Sef nang sabihin namin ang tungkol sa mga ex-girlfriends niya at kumustahin kung sila ba ni Andrea e, naging okay na after nilang mag-break at bilang tulad niya, single na rin itong muli.
Sabi naman ni Sef, “Baka hindi lang din kasi alam ng karamihan but we turned out also to be good friends. Hindi naman napuputol ang communication namin. Ang saya pala no’n na kapag nagkikita kami, hindi lang sa GMA kahit sa labas, nando’n ‘yung respeto, kumusta.. may gano’n pa rin, hindi siya nawawala.”
Grateful daw siya sa kung ano ang meron sila ni Andrea ngayon. Pero ayaw raw niyang sabihin kung hanggang doon na lang or what sila, pero sey niya, “We had our fair share ng talaga nga naman na kaming dalawa.
“It’s time to move forward,” nakangiting sabi niya.
(ROSE GARCIA)
-
Pamamasada ng mga traditional jeepneys hanggang Hunyo 30 na lamang – LTFRB
MAYROONG hanggang Hunyo 30 ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney. Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano na apat na beses na nila ng napagbigyan ang mga operators na magbuo ng kanilang kooperatiba bilang bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng modernized jeepneys. Dagdag pa nito na magiging exempted lamang […]
-
Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Hold Me Close’: JULIA, kayang lumaban kina VILMA at JUDY ANN sa pagka-best actress
PURING-PURI si Carlo Aquino ang kanyang leading lady na si Julia Barretto, para nakapahusay nitong pagganap sa kanilang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Hold Me Close” na mula sa Viva Films. Kayang-kaya raw ni Julia na makipagsabayan at lumaban kina Vilma Santos para ‘Uninvited’ at Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’. […]
-
Walang kupas at first time makita nina Andres at Atasha: CHARLENE, muling pinamalas ang husay sa pagsasayaw at hinahamon si AGA
KAALIW at marami talaga ang natuwa sa IG post si Charlene Gonzalez-Muhlach na kung saan muling pinamalas ang galing niya sa pagsasayaw at hindi pa rin kumukupas paglipas ng maraming taon. Caption ng iconic dancing queen, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & […]