• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.

 

Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.

 

“Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan ng weather, kung malamig o mainit ..kung direct sunlight o hindi”, ayon pa kay Vergeire.

 

“Ito pong praktis natin na nagbibilad sa araw ..direct sunlight kasi po ang ibang organismo talaga sa  direct sunlight namamatay pero dito sa COVID-19 , itong SARS-CoV virus hanggang sa ngayon wala pa tayong ebidensya for that”, ayon pa kay Vergeire sa Dobol B.

 

Nilinaw din ng opisyal na ang mga medical grade o surgical mask  ay mga disposable mask at kapag nabasa o nadumihan na ay kailangan nang palitan.

 

Kahit nga  hindi pa natapos ang araw kung ito ay nadumihan na at nabasa, kailangan na pong palitan na natin dahil baka mas mahawa pa kayo kung ginagamit ng paulit-ulit”, dagdag pa nito.

 

Mas mainam na rin aniyang gumamit na lamang ng “cloth mask” dahil ito ay maaring labhan at muling magamit .

 

Paalala din ni Vergeire na mahalaga na may suot na facemask at faceshield  at isinusuot ng maayos upang maproteksyunan laban sa virus . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Gawad Kalasag Seal of Excellence Award muling nakuha ng Malabon LGU

    SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Gawad Kalasag Seal of Excellence Award at “Beyond Compliant” mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Councel (NDRRMC).     Ito’y sa katatapos lamang na Gawad Kalasag National Awarding Ceremoney na ginanap noong December 11, 2023 sa Manila Hotel, Ermita Manila.     […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]

  • Isko inialay ang parangal sa mga nagbuwis ng buhay

    INIALAY ni Aksyon Demokratiko at Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng frontliners na nagbuwis ng buhay noong kasagsagan ng pandemya ang tinanggap nitong pagkilala na “People of the Year 2022.”     Kinilala si Domagoso ng PeopleAsia Magazine dahil sa ginawang pagtugon at paglaban ng lokal na pamahalaang lungsod na kanyang […]