Direk DARRYL, pansin na mas maraming naging curious na panoorin ang pelikula niya habang bina-bash
- Published on June 1, 2021
- by @peoplesbalita
SA opinion ni Direk Daryl Yap, mas lalong nagiging curious ang mga tao na panoorin ang mga pelikulang ginagawa niya dahil sa mga bashing na kanyang natatanggap.
“When people say something about my film, whether negative or positive, ‘yun ang napapag-usapan,” pahayag nang kontrobersiyal na director ng Tililing at Gusto Kong Maging Porn Star.
May magandang dulot daw sa promo na nagiging conversation piece ang kanyang pelikula. Trailer pa lang kasi ng mga movies ni Direk Daryl ay agad umaakit nang atensiyon dahil sa pagiging controversial nito.
Ganito rin ang reaction ng mga Sharonians when they learned nagagawa ng movie ang Megastar with Direk Daryl. Since some of them are not exactly fan of Direk Daryl, the fans of Sharon were afraid na baka mali ang desisyon ng kanilang idol na tanggapin ang movie with the controversial director.
Dahil sa success ng Jowable kaya reunited sina Direk Daryl at Kim Molina sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam.
Based on his research, may ganitong uri ng medical condition where the person doesn’t experience pain at all. Ang malungkot lang sa mga may ganitong sakit, hindi nagtatagal ang buhay nila sa mundo.
Sabi naman ni Kim, hindi raw niya akalain na may ganitong klase ng tao. Inamin din niya na challenging ang role kasi mahirap daw umarte na walang emosyon pero kailangan maintindihan ng tao ang kanyang pinagdadaanan.
“Mahirap isipin how to react to certain situations when supposed to be ay wala ka naman nararamdaman,” sabi pa ni Kim.
Ayon kay Direk Daryl, maganda ang chemistry nina Kim at ni Jerald Napoles sa pelikula. Perfect daw ang mga ito for their respective roles.
Hindi naman daw nakakaramdam ng pressure sina Kim at Jerald dahil naniniwala sila sa material. Naniniwala ang dalawa na tatangkilikin ng netizens ang pelikula. First time din nila na nagtambal sa movie pero confident sila na maraming manonood ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.
***
FIRST time na magkatrabaho sa isang movie ang real-life partners na sina Jerald Napoles at Kim Molina pero wala naman daw silang kailangan na gawin na major adjustement working with each other.
Kumbaga, ayon kay Jerald,pag trabaho, focus sila sa trabaho. Pagdating sa personal na bagay bilang magkarelasyon, may sariling oras sila for this.
Kaya walang issue kung magkatrabaho man sila sa isang movie tulad nitong Ang Babaeng Walang Pakiramdam.
“Basta we did we had to do on the set, Kasi yun naman ang trabaho namin as actors,” wika ni Jerald.
Kaya hindi stressful sa kanila ni Kim to work together. Pag work, work lang. Hindi nila pinag-uusapan ang kanilang relasyon while working.
Kasi nga may usapan na sila na pag trabaho, focus dapat sa trabaho and feelings should not get into the way.
Kaya kung may project man si Kim with another actor at si Jerald with another actress, trabaho lang ito and anuman ang kanilang gawin while their work as actors is just part of the job.
Pero may mga kilig levels daw sina Kim at Jerald sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Kahit na magkaiba ang mundo nila sa movie, pag nagtagpo na sila ay may kilig.
Happy rin sina Jerald at Kim na maganda ang takbo ng careers nila as actors.
Mapapanood ito via streaming sa Vivamax at KTX.ph starting June 11.
(RICKY CALDERON)
-
18-anyos na Top 1 most wanter Navotas, timbog
ARESTADO ang isang 18-anyos na murder suspect na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Navotas City nang bumalik sa kanyang tirahan makalipas ang dalawang buwan pagtatago sa Navotas Fish Port Complex (NFPC). Ayon kay Navotas police chief P/Col Rolando Balasabas, alas-2:10 ng hapon nang isilbe ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section […]
-
Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa
HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa. Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics. Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points. Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na […]
-
Luzon grid isinailalim na sa red alert – NGCP
ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa pagpalya ng kuryente sa Luzon. Dahil dito kaya pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng pagpalya ng power generation plants. Inamin naman ng DOE na wala silang nakikitang problema sa […]