Direk SIGRID, puring-puri sina RHEN at RITA dahil mahusay kahit mga baguhan; wish na maging eye-opener ang ‘Lulu’
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
SABI ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, hindi raw niya pupurihin ang isang artista kung hindi mahusay ang acting nito.
Kasi kung hindi raw mahusay ang pag-arte ng artista niya tapos pinuri niya, that will also reflect on her as a director.
Bida sa Lulu, na first series niya about girl-to-girl relationship sina Rhen Escano at Rita Martinez.
Pero wala siyang naging problema sa acting na ipinamalas ng kanyang mga bida. In fact, she commended them for their good performance. Mahusay daw sina Rhen at Rita kahit mga baguhan. Special mention si Rita kasi acting debut niya ang Lulu.
Love story ng a girl and a lesbian itong Lulu. Ayon pa kay Direk Sigrid, matagal na raw niyang gusto gumawa ng kwento about the LGBT community as an advocacy.
Gusto raw niyang ipaalam sa mga tao na ang members ng LGBT community ay normal just like everyone. Umiibig, nagmamahal, nasasaktan.
Ang wish nga ni Direk Sigrid ay maging eye-opener ang series about how life goes on para sa members ng LGBT community, specifically the lesbians.
Sa January 23 ang premiere ng Lulu sa Vivamax, ang number one streaming platform sa Pilipinas.
***
NAGKAROON ng special preview ang Vivamax offering na Sisid sa bahay ng director nito na si Brillante Mendoza last Monday afternoon.
Isa kami sa naimbitang press sa nasabing preview at we liked the film. Kapwa mahusay ang lead actors na sina Marco Gumabao, Vince Rillon, Kylie Versoza at Christine Bermas.
Revelation si Vince sa kanyang launching film. Marunong siyang umarte at kahit na sa sexy scenes ay palaban siya.
Pero sabi nga ni Direk Dante, integral ang sex sa story at hindi lang basta inilagay to attract more viewers.
Maganda ang kwento ng Sisid tungkol kina Jason (Paolo) at Dennis (Vince) na nag-meet dahil sa trabaho ni Jason as a marine biologist. Si Dennis ang naging assistant ni Jason at their constant togetherness made them fall for each other.
Nalaman ni Abby (Kylie) ang bawal ng relasyon ng kanyang asawa at ang newfound friend na si Jason.
Hindi napigilan nina Jason at Dennis na ma-develop ang feelings nila sa isa’t-isa. Ano ang mangyayari sa kanilang unusual love story?
Isa pang mapupuri sa pelikula ay ang magandang cinematography.
Palabas na sa Vivamax plus ang Sisid.
(RICKY CALDERON)
-
PBA gusto nang lumaraga sa June 15
Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15. Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan. “We are thinking of June 15,” ani […]
-
EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games
LUBOS ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium. Napili kasi ang world […]
-
Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’
MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8. Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes. Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]