• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk SIGRID, puring-puri sina RHEN at RITA dahil mahusay kahit mga baguhan; wish na maging eye-opener ang ‘Lulu’

SABI ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, hindi raw niya pupurihin ang isang artista kung hindi mahusay ang acting nito.

 

 

Kasi kung hindi raw mahusay ang pag-arte ng artista niya tapos pinuri niya, that will also reflect on her as a director.

 

 

Bida sa Lulu, na first series niya about girl-to-girl relationship sina Rhen Escano at Rita Martinez.

 

 

Pero wala siyang naging problema sa acting na ipinamalas ng kanyang mga bida. In fact, she commended them for their good performance.   Mahusay daw sina Rhen at Rita kahit mga baguhan. Special mention si Rita kasi acting debut niya ang Lulu.

 

 

Love story ng a girl and a lesbian itong Lulu. Ayon pa kay Direk Sigrid, matagal na raw niyang gusto gumawa ng kwento about the LGBT community as an advocacy.

 

 

Gusto raw niyang ipaalam sa mga tao na ang members ng LGBT community ay normal just like everyone. Umiibig, nagmamahal, nasasaktan.

 

 

Ang wish nga ni Direk Sigrid ay maging eye-opener ang series about how life goes on para sa members ng LGBT community, specifically the lesbians.

 

 

Sa January 23 ang premiere ng Lulu sa Vivamax, ang number one streaming platform sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng special preview ang Vivamax offering na Sisid sa bahay ng director nito na si Brillante Mendoza last Monday afternoon.

 

 

Isa kami sa naimbitang press sa nasabing preview at we liked the film. Kapwa mahusay ang lead actors na sina Marco Gumabao, Vince Rillon, Kylie Versoza at Christine Bermas.

 

 

Revelation si Vince sa kanyang launching film. Marunong siyang umarte at kahit na sa sexy scenes ay palaban siya.

 

 

Pero sabi nga ni Direk Dante, integral ang sex sa story at hindi lang basta inilagay to attract more viewers.

 

 

Maganda ang kwento ng Sisid tungkol kina Jason (Paolo) at Dennis (Vince) na nag-meet dahil sa trabaho ni Jason as a marine biologist. Si Dennis ang naging assistant ni Jason at their constant togetherness made them fall for each other.

 

 

Nalaman ni Abby (Kylie) ang bawal ng relasyon ng kanyang asawa at ang newfound friend na si Jason.

 

 

Hindi napigilan nina Jason at Dennis na ma-develop ang feelings nila sa isa’t-isa. Ano ang mangyayari sa kanilang unusual love story?

 

 

Isa pang mapupuri sa pelikula ay ang magandang cinematography.

 

 

Palabas na sa Vivamax plus ang Sisid.

 (RICKY CALDERON)

Other News
  • Magsayo, PH 11 pasiklab sa Enero

    SINA professional boxer Jessel Mark ‘Magnifico’ Magsayo at national women’s football team ang mga nagpasimula sa pasiklab ng mga atletang Pinoy sa 2022 nang maghati sa karangalan sa Enero.     Ipinagpatuloy nila ang malalaking tagumpay ng mga kapwa manlalaro sa nakaraang taon makalipas masikwat ni Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight title sa […]

  • VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa

    KINIKILALA ng 39 bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).     Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots. […]

  • PDU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Morales

    Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   “Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong […]