• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direktor ng PDEA-NCR, sinibak dahil sa Taguig drug-bust

IPINAG-UTOS  ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang pagsibak sa puwesto sa direktor ng PDEA-National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang mataas na opisyal ng tanggapan, dalawang ahente nito at isang driver, sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan.

 

 

Sa isang pulong balitaan kahapon, na idinaos sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, inianunsiyo ni Lazo ang pag-relieved sa puwesto kay PDEA-NCR director Christian Frivaldo. Siya ay papalitan sa puwesto ni Emerson Rosales, na dating direktor ng PDEA-Western Visayas.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Lazo na ang lahat ng iba pang personnel ng Southern District Office ay ni-recall na rin bilang resulta ng buy-bust.

 

 

Sinabi naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon na si Frivaldo ay sinibak dahil sa command responsibility.

 

 

“If there are incidents like that, (a PDEA official) is getting relieved administratively. It’s not because he is facing a case but because of the incident. Its normal to be relieved from a post,” dagdag ni Carreon.

 

 

Matatandaang kamakailan inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Taguig, ang director ng Southern District Office ng PDEA-NCR, gayundin ang dalawang ahente at driver nito.

 

 

Nakumpiska mula sa mga suspek na sina SDO director Enrique Lucero, PDEA agents Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver ni Lucero na si Mark Warren Mallo, ang may 1.35 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9.18 milyon,  buy-bust money, apat na baril at isang digital weighing scale. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads March 19, 2021

  • PBBM, Unang Ginang Liza Marcos pinangunahan ang inagurasyon ng “showcase area” ng Pasig River urban development project sa Maynila

    PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya sa showcase area ng Pasig River urban development project sa Maynila.     Sakop ng showcase area ang mahigit sa 500 metro, sa likod ng Manila Central Post Office building, ay bahagi ng “initial phase” ng komprehensibo, multi-agency urban renewal project […]

  • LA Tenorio sumailalim sa opera

    KAHIT ang Iron Man, kailangan ding maglangis ng mga pumapalyang piyesa. Kaya si LA Tenorio, nagpasya na ipaopera na ang lumalang sports hernia na nakuha pa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.   Martes sumalang sa surgery ang Tinyente ng Ginebra, wala na sa sidelines sa 109-104 win ng team kontra Terrafirma sa Ynares Center-Antipolo […]