Disbarment kontra Bise Sara, inihain
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN na ng disbarment case ngayong umaga sa Korte Suprema si Sec.Larry Gadon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa kanyang paghahain ng reklamong disbarment na may kinalaman sa pagmumura at pagbabanta ni VP Sara laban kina Pang. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, hinamon ni Gadon ang SC na agad maglabas ng desisyon.
Ayon kay Gadon, maliwanag ang ginawang paglabag ni Duterte sa Cannon Law at Conduct of Ethical of Professional Responsibility bilang isang abogado.
Sinabi ni Gadon, dito masusubukan ang mga justices ng Korte Suprema na wala silang pinapanigan na inihalimbawa pa ang kanyang sarili na agaran siyang tinanggalan ng lisensiya bilang abogado matapos din siyang ireklamo ng disbarment ng kumalat ang video ng ginawa niyang pagmumura.
Sakaling hindi maglabas ng desisyon, handa si Gadon na sampahan ng impeachment ang mga justices kung saan maliban sa kaniyang reklamo ay may nakabinbin din sa Korte Suprema na isa pang disbarment ni VP Sara na may kaugnayan naman sa panununtok nito sa isang Sheriff noong siya ay alkalde pa ng Davao City.
Nauna nang inihayag ni Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Supreme Court na may natanggap na silang anonymous letter na pinapadisbar si VP Sara. GENE ADSUARA
-
Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4
IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw. Alinsunod sa […]
-
USA, sinigurado ang ‘another million dollars’ para sa mga biktima ng bagyo sa Pinas
SINIGURADO ng Estados Unidos ang “another million dollars” para tulungan ang mga Filipino na biktima ng 6 na magkakasunod na bagyo sa bansa nito lamang nakalipas na linggo. Ito ang sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa kanyang naging courtesy visit kay President Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang. Tinitingnan din ng […]
-
Walang preno ang mga rebelasyon kay Korina… Chair LALA, nagselos noon kay CIARA at gusto ring mag-artista
RAIN or shine, tuloy-tuloy ang umaatikabong chikahan with Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, July 28. Naka-one-on-one ng acclaimed broadcast journalist ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa isang in-depth interview about her life and career. Wala ngang preno si Chair Lala sa kanyang mga rebelasyon. True or […]