• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DISBARMENT KONTRA GADON, PINAG-IISIPAN

PINAPAG-ARALAN ng isang grupo ang paghahain ng disbarment  at criminal charges laban  kay  Atty.Larry Gadon na namatay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa impeksyon sa HIV,.

 

Ito ay kasunod din ng pagkondena ng HIV Advocacy Group sa naging  naging pahayag ni Gadon kung saan sinabi umano nitong hindi nakarekober  sa kanyang sakit ang dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa HIV.

 

Nagbabala naman ang Deparment of Health (DOH) na  mag-ingat sa pagbibigay ng pahayag o impormasyon na may kinalaman sa HIV status  ng isang indibidwal.

 

Ayon sa DOH, labag sa batas na ibunyag nang walang pahintulot , impormasyon na ang isang tao ay may AIDS, sumailalim sa  kahalintulad na pagsusuri sa  HIV, may impeksyon sa HIV o mga karamdamang may kaugnayan sa HIV o nalantad sa HIV.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act, ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng impornasyon ng isang tao na may sakit na HIV  at AIDS .

 

Gayundin ang mga nagpa-test, na-expose  o nahawaan ng naturang sakit at mga nagpapagaling sa HIV.

 

Binigyan diin ng ahensya na ang iligal ang pagsasapubliko ng impormasyon ng isang tao na may HIV status nang walang pahintulot muna sa taong may sakit dahil ito ay sensitibo.

 

Maari namang makasuhan alinsunod sa batas ang mga lumalabag at mananagot sa mga parusang kriminal, administratibo at  civil sanctions at  penalties. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Puring-puri rin ang producer ng ‘Mallari’: JC, walang masabi sa kakaibang experience working with PIOLO

    KASAMA si JC Santos sa bigating cast ng horror film entry ng Mentorque Productions na Mallari sa 49th Metro Manila Film Festival.     At inamin nga ng mahusay na aktor na isa sa dahilan si Piolo Pascual na bida ng pelikula, kaya niya tinanggap ang mapanghamon na role. Kaya sa tingin namin, siguradong lalaban […]

  • EMERGENCY CASH LANES sa TOLLWAYS PANATILIHIN HANGGA’T WALA PANG INTER-OPERABILITY ang AUTOSWEEP at EASYTRIP

    Malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista. Hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at ‘baka’ sa June 2021 pa raw ito pero ‘kung’ makikipag-cooperate ang dalawang malalaking negosyo na Autosweep […]

  • PBBM, pinangunahan ang “mega groundbreaking” ng 6 na housing projects sa Bulacan

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang  “mega groundbreaking” ng anim na  housing projects sa anim na lungsod at munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan, maaaring makapagtayo ng 30,000 shelter units.     “Sa pamamagitan po ng proyektong ito, maisasakatuparan [ng] libolibong Bulakenyo ang pangarap nila na magkaroon ng maayos at abot-kayang bahay namatatawag nilang […]