• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.

 

Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa area of responsibility ng station commander.

 

“Maling mali ito. Profiling has no place in a nation that respects and draws strength from the diverse beliefs of its people. Guilt by association is wrong, and sometimes fatal,” pahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman, na mula Basilan.

 

Naglabas ng pahayag si Hataman at Anak Mindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan na may kaugnayan sa hakbang ng PNP na magkaroon ng updated na listahan ng mga mag-aaral na Muslim sa sekondarya, colleges at universities sa Metro Manila, kung saan sinabi niyang epektibong inilagay sa watchlist ang mga batang Muslim.
“Baseless stereotyping can end in lethal results,” giit ni Hataman. “What is sad is that this is an official directive, and aimed at children at that.”

 

Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas na nagsasagawa ang mga ito ng profiling sa mga mag-aaral at sa halip ay kinukuha lamang nila ang statistics sa bilang ng mga mag-aaral na Muslim sa sekondarya at kolehiyo “in order to conduct interventions and programs in strengthening Salaam Police [Center].”

 

Binigyang-diin ni Hataman na isa sa mga “greatest failures of police intelligence ” sa kasaysayan ang typecasting sa mga Muslim bilang posibleng terorista at paglista sa mga pangalan nito para sa posibleng watchlist.

 

“Kung ikaw ay isang law-abiding Muslim, masakit po ang ganitong paratang. Parang tinokhang ang reputasyon ng mga Pilipinong Muslim. Suportado at mahal namin ang ating kapulisan na kahit sa dami ng nasasangkot sa kanila sa krimen ay ni minsan ay hindi namin sinabi na lahat ng pulis ay masama,” katuwiran ni Hataman.

 

Sinabi naman ni Sangcopan, sa kanyang parte, na isa sa mga “evils” ang naturang direktiba ng pulisya na nais nilang iwasan nang ihain niya at ni Hataman ang House Bill No. 1579 o An Act Prohibiting Racial, Ethnic and Religious Discrimination, na ngayon ay nakabinbin sa House Committee on Human Rights.

 

“These are practically children who also struggle with the ills of discrimination in their own schools,” aniya. “Tapos dadagdagan pa natin ng ganitong klaseng profiling? If you are a Muslim student, how would knowing that your name is in a police list somewhere make you feel? I am certain no good will come out of this.” (Ara Romero)

Other News
  • POC isinama pa rin si Obiena sa mga manlalaro na sasabak sa SEA Games

    ISINAMA  pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena.     Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na […]

  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]

  • Obiena naka-ginto sa Germany

    MULING umarangkada si Ernest John Obiena matapos makasikwat ng gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprungmeeting na ginanap sa Jockgrim, Germany.     Nairehistro ni Obiena ang impresibong 5.81 metro distansiya upang masiguro ang gintong medalya.     Maliban sa ginto, na­abot din ni Obiena ang meet standards para sa prestihiyosong World Athletics Championships na idaraos […]