Dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo, naaresto sa Indonesia
- Published on September 5, 2024
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang naaresto ng mga otoridad sa Jakarta, Indonesia ang kontrobersyal na dismissed Mayor Bamban , Tarlac na si Alice Guo.
Ito ang kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago, Miyerkoles Sept. 4.
Napaulat na nakalabas ito ng Pilipinas noong buwan ng Abril kasama si Shiela Guo at Cassandra Ong.
Iniuugnay ang dating alkalde sa mga ilegal na operasyon ng POGO hub sa bansa partikular sa scam hub na sinalakay sa kanyang bayan.
Samantala, kapwa pinag-iisipan nina Interior Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil na pumunta sa Indonesia para personal na sunduin ang sinibak sa puwesto na si Bamban mayor Alice Guo at kaagad na ibalik ito sa Pilipinas.
Sa isang press conference araw ng Miyerkules, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na mayroon silang dalawang opsyon.
“Titingnan ‘yung possibility, we have two options whether ‘yung police attache na ang mag-eescort papunta sa Pilipinas or it would be the Chief PNP or SILG that will be travelling to Indonesia to fetch Alice Guo,” ayon kay Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na wala pa namang ‘definite plan’ hinggil dito subalit “ang initial po kanina, ang usapan po is si mismong si SILG po ang bibiyahe roon at si Chief PNP po.”
“The intention of the Chief PNP and SILG is within the day we can get the custody of Alice Guo,” aniya pa rin.
Sa ulat, naaresto na ng mga awtoridad si Alice Guo sa isang hotel sa Batam, Indonesia.
Sinabi ni Fajardo na ang pag-aresto sa kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo at Cassandra Ong, awtorisadong kinatawan ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga, ay “born out of the intelligence cooperation” sa pagitan ng PNP at Indonesian National Police.
“Maganda ang naging coordination ng ating police attache doon at Indonesian police that led to the location nga po nitong si Alice Guo,” ayon kay Fajardo.
Sinabi nito na hinihintay pa rin nila ang official report.
“Kanina po before coming over here kausap ko po mismo ‘yung intelligence group na nagfacilitate, they opted not to disclose more information kasi ongoing pa ‘yung efforts to locate others,” ang winika ni Fajardo.
Giit nito gumagana ang ‘intelligence efforts’ ng PNP.
“Out of respect din po sa iba nating mga law enforcement agencies, I’m sure gumagana rin po ‘yung intelligence efforts nila,” ang tinuran ni Fajardo.
Hindi naman nila inaalis ang posibilidad na may ilang police personnel ang maaaring tumulong kina Alice at Shiela Guo at Ong para makatakas.
“Hindi po natin ito palalagpasin at we will file the criminal and administrative cases, but it is not impossible na meron pong tumulong,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
PBBM umaasa ‘i-reconsider’ ng Court of Appeals ang TRO sa SMC power rate petition
UMAASA si Pangulong Bongbong Marcos na i-reconsider ng Court of Appeals na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na isuspinde ang implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco). Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of […]
-
GROUP TOUR, BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING
NASABAT ng ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport ang labing-isa na indibidwal na hinihinalang biktima ng human trafficking biyaheng Dubai, UAE noong June 21, 2023. Kabilang dito ang pitong babae a6 apat na lalaki na pinagdududahan sa initial inspection ng primary Inspector kaya ipinasa sila sa Travel Control and […]
-
Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief
TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos. Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address. “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]